RedV SinSaint
Sipi mula sa 'Escapades with the fake maid' Kabanata ??
~
Matalim na tiningnan ni Layla mula ulo hanggang paa ang 'katulong' na nakatayo sa harapan niya habang nagbabadya ang mga luha sa mata nito. "Para sa isang babae ang job posting. At... hindi ka babae."
Dinededma ang pamumutla ng katulong, nagpatuloy siya, "Kaya, ano ang tunay mong pangalan at edad?"
"A-ang pangalan ko ay Carle," ipinagtapat ng katulong sa nanginginig na boses, "Carle McCarthy. Ako ay... sa katunayan ay... 29."
"Bakit ka nagpapanggap bilang isang katulong sa aking tahanan samantalang ikaw ay isang lalaki?" tanong ni Layla habang nakataas ang isang kilay sa pagtataka.
"Ang yumao kong ama... isa siyang manginginom, sugol, at baon sa utang. Gusto pa nga niya akong gamiting pambayad sa isa sa marami niyang pinagkakautangan. Ngunit naisip ng huli na wala man lang akong halagang kahit isang dolyar kaya ibinalik ako. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ako..."
~
Gusto mo bang malaman kung paano ito magtatapos?
Kailangan mo lang ilipat ang kasunod na pahina at magbasa hanggang sa dulo.
Ang librong ito ay isang kompilasyon ng higit sa dalawampung napakagandang kwento na may iba't ibang haba. At hindi lang ito nakalimita sa iisang genre.
Sa isang sandali, maaaring nagbabasa ka ng kwento ng werewolf o kwento ng mermaid. Sa susunod, nagbabasa ka na ng campus romance, vampire romance, o sports romance. At bago mo mamalayan, nagbabasa ka na tungkol sa isang bastos na demon king at sa isang palaban na taong mandirigma (BL)!
Kapanapanabik, 'di ba?
Hindi mo maihahula kung anong genre o kung gaano katindi ang kasunod na kwento!
Subalit... siguradong may tatlong bagay na naroroon;
Mga nakamamanghang plot twist,
Mga nakalulugod na paghihiganti,
At, higit sa lahat, mga eksenang nakababakas ng pamumula sa iyong mukha!
Kaya ano pa ang hinihintay mo?