Middle Child
Tatlong taon kong binuhat ang sumpa ng pagiging baog, ang lamig ng kama, at ang unti-unting paglayo ng asawang si Nathaniel. At sa araw na binigyan ako ng Diyos ng himala—isang dalawang pulang guhit—doon din gumuho ang aking mundo. Nahuli ko siya sa piling ng iba. Sa isang iglap, dahil sa selos at karahasan ng kanyang kalaguyo, dumanak ang dugo sa semento. Nalaglag ang aking anak. Ang masakit, sa harap ng aking pagluluksa, mas pinili ni Nathaniel na kampihan at protektahan ang babaeng pumatay sa aming supling kaysa sa akin.
Tumakas ako. Lumipad patongong ibang bansa dala ang sirang kaluluwa, walang kamalay-malay na may kambal palang natira sa aking sinapupunan. Pitong taon ko silang itinago. Pitong taon kong pinalaki ang galit upang bumalik at durugin ang kumpanya ni Nathaniel. Gusto ko siyang makitang gumapang sa putik.
Ngunit kung kailan dapa na siya at handa ko nang isaksak ang huling higanti, doon ko natuklasan ang pinakamalupit na biro ng tadhana: ang tatlong taong kataksilan niya ay ang tanging paraan upang iligtas ang aking pamilya mula sa mga halimaw. Hinayaan niyang kamuhian ko siya, hinayaan niyang mamatay ang sarili sa pangungulila sa isang pekeng puntod na iniyakan niya gabi-gabi, bastat manatili lang akong ligtas.
Paano ko bubuhayin ang lalaking pinatay ko sa sarili kong mga kamay, ngayong alam ko nang ako ang dahilan ng lahat ng kanyang sugat?