Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Billionaire×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Divorce×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Billionaire Divorce Web Novels & Stories

Explore novels and web novels featuring Billionaire with Divorce, engaging stories, and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
Bon Appetit - undefined novels & stories
MIKS DELOSO
Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
10
4.9K
Clark Montenegro (My ex-husband is obsessed with me) - undefined novels & stories
Grace Solis
What if ang taong sa matagal na panahon mo nang pinagtataguan ay makita mo ulit Dahil sa utang ng pamilya Alvarez sa pamilya Montenegro napilitan si celina na pakasalan si Clark Montenegro .naging buhay empy*rno si celina nang maging asawa nya ito kaya naman nang matapos ang kontrata nya bilang asawa nito ay nagpakalayo layo sa celina at pinutol lahat nang connection nya sa mga Montenegro even sa mga taong malapit sa kanya para sa sariling kapakanan at sa magiging anak nya alam ni celina pagnalaman ni Clark na nagdadalang tao sya ay kukunin nito ang bata at ilalayo sa kanya once na mailuwal nya ang bata .Lumipas ang taon naging mapayapa ang buhay ni celina kasama ang kambal na anak nila ni ClarkPero magiging mapayapa parin ba ulit ang buhay nya sa muling pagtatagpo nila ni ClarkABANGAN!!!!
10
3.1K
Divorcing My Cheater Husband, Marrying His Billionaire Uncle - undefined novels & stories
L O W K E Y
Tatlong taon na tinalikuran ni Isabelle ang kanyang career bilang architect para maging perpektong asawa, ngunit nahuli niya ang asawa niyang si Justin na nambabae at nabuntis pa niya ito. Dahil sa ayaw mawalan ng mana, ginigipit ni Justin si Isabelle at hinaharangan ang lahat ng job opportunities nito para hindi siya makaalis sa kanilang toxic na relasyon. Ang bilyonaryong tiyuhin ni Justin na si Rajah ang nag-alok kay Isabelle ng trabaho at proteksyon, na nagdulot ng matinding tensyon sa pagitan nila habang nilalabanan ang pamilya Madrigal. Kailangang pumili ni Isabelle kung mananatili siyang biktima ng asawa o tatanggapin ang tulong ng lalaking dapat ay bawal para sa kanya.
10
6.9K
UNBREAK MY HEART - undefined novels & stories
MIKS DELOSO
Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
10
6.3K
The Ex-convict Wife and Her Affair with Billionaire Uncle - undefined novels & stories
Shea.anne
Akala ni Evan ay tama ang desisyon niyang pakasalan ang lalaking pinapangarap niya---hanggang sa ang desisyong iyon ay nauwi sa isang bangungot. Naipit siya sa isang loveless marriage, muntik makunan ng dinadalang sanggol, at sa huli’y nakulong pa ng limang taon. Hindi naman siya masamang tao, ngunit hindi niya alam kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay niya. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana, dahil ang dinadala pala niya ay hindi kay Kenneth. Isang pagkakamaling hindi sperm cell ng asawa ang naiturok sa kaniya sa ospital. Dahil sa takot, inilayo niya ang anak kay Kenneth at iniwan ang pangangalaga nito sa isang kaibigan. Paglaya ni Evan, nalaman niyang ang malamig at tahimik na tiyuhing si Kevin ay nagkaroon ng anak habang siya’y nasa kulungan. Pero ang mas ikinagulat niya ay nang makaramdam ng kakaibang koneksyon sa bata. Mas lalo siyang naguluhan nang hindi na niya mahanap ang kaibigang pinag-iwanan sa sariling anak. "Ella, kapag nahanap mo ang file ng doktor na iyon para sa akin, I will divorce Kenneth immediately. Ang kailangan ko lang ay mahanap ang taong inaasam ko buong buhay ko sa kulungan, hindi ako narito para makipag-agawan sa'yo sa asawa ko."
10
8.3K
Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day - undefined novels & stories
PILOSOPOTASYO
Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal, isang masakit at nakakadurog-pusong katotohanan ang natuklasan ni Nimfa—may ibang babae ang kaniyang asawang si Marcus. Ngunit ang higit na hindi niya matanggap: ang kabit ng kaniyang asawa ay ang mismong hipag—ang asawa ng nakatatandang kapatid ni Marcus. Sa kabila ng sakit na dulot nito, pinili ni Nimfa na magbulag-bulagan. Ayaw niyang masira ang pagsasama nila ni Marcus, dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Kaya nanatili siya, kahit unti-unti na siyang nauupos. Subalit lalo pang tumindi ang lahat nang mamatay ang kapatid ni Marcus. Pansamantalang tumira sa kanilang bahay ang hipag nito kasama ang anak, at doon mas lalong nakita ni Nimfa kung gaano na siya pinapabayaan ng asawa—sapagkat ang buong atensyon nito ay nasa ibang babae na. Isang gabi, sa tindi ng sakit at pagod, tuluyan nang nagdesisyon si Nimfa. “Maghiwalay na tayo, Marcus. Mag-file na tayo ng annulment para matapos na ang lahat ng ‘to,” malamig niyang wika. Ngunit tatanggapin ba ito ni Marcus? At sa gitna ng sugat na iniwan ng kaniyang asawa, isang lalaki ang muling babalik sa buhay ni Nimfa—isang lalaking may koneksyon sa kanilang nakaraan, na ngayon ay isa nang makapangyarihang bilyonaryo.
10
6.0K
Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire - undefined novels & stories
Lavender Skye
Betrayed Wife, Claimed by the Heartless Billionaire Dalawang taon naging magkasintahan sina Leon Santillan at Gazini Fowler bago sila ikinasal. Akala ni Gazini, siya na ang pinakamaswerteng babae sa mundo. Ngunit sa loob ng isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, minsan lang siyang naging asawa sa tunay na kahulugan nito—sa mismong gabi ng kanilang kasal. Habang walang sawang nagtatrabaho si Gazini, buong tiwala niyang ibinibigay ang bawat pisong kinikita kay Leon, naniniwalang magkasama nilang binubuo ang pangarap nilang kinabukasan. Hindi niya pinansin ang malamig nitong pakikitungo, ang mga gabing mag-isa siyang natutulog, at ang mga pangakong hindi kailanman tinupad. Para sa kanya, normal lang ang magsakripisyo kapag nagmamahal. Hanggang isang araw, hinarap siya ng kabit ni Leon. "Hindi ikaw ang babaeng minahal niya. Ikaw lang ang babaeng nagbayad ng lahat ng luho namin." Sa isang iglap, gumuho ang mundong maingat niyang binuo. Ang bawat sentimong pinaghirapan niya ay ginamit pala para buhayin ang marangyang relasyon ng asawa niya at ng ibang babae. Hindi lang siya niloko—ginawa rin siyang tagapagtaguyod ng pagtataksil sa kanya. Pinili ni Gazini ang diborsyo at iniwan ang lalaking sumira sa kanyang puso. Habang unti-unti niyang binubuo muli ang sarili, nakilala niya si Gabriel Medina—isang makapangyarihan, guwapo, at misteryosong billionaire na kilala sa pagiging malamig at walang pusong negosyante. Tahimik siyang pinrotektahan ni Gabriel, tinulungan siyang bumangon, at ipinakitang may lalaking kayang pahalagahan ang kanyang halaga. Ngunit may isang bagay na hindi kailanman maibibigay ni Gabriel—ang kanyang puso. At nang tuluyan nang tanggapin ni Gazini ang katotohanang iyon, bumalik si Leon, nagsusumamo ng isa pang pagkakataon. Dalawang lalaki. Isang pusong minsang nadurog. Sino ang pipiliin ni Gazini? Ang lalaking sumira sa kanya... o ang billionaire na inangkin ang kanyang buhay ngunit tumatangging ibigay ang kanyang puso?
10
6.6K
Blinded By Love, Claimed By The Billionaire  - undefined novels & stories
Airam Anelé
Nabulag si Kiera tatlong taon na ang nakalipas dahil sa isang car accident. Nang magising siya sa ospital, nakakakita na siya. Hinanap niya ang inakala niyang tapat na asawa para ibahagi ang magandang balita, ngunit nahuli niya itong nakikipagniig sa kanyang sekretarya. Heartbroken, nagtungo sa isang private bar si Kiera para maghiganti sa asawang si Randolf. Doon ay nakilala niya ang billionaire elite na si Leon. Nagkaroon sila ng one-night stand at magmula noon ay naugnay na sila sa isa't isa. Inalok ni Leon si Kiera ng marriage contract kapalit ng pagtulong sa kanya na mabawi ang mga ari-ariang kinuha ni Randolf. Ngunit kung kailan nagkakalapit na ang kanilang mga damdamin, saka naman eeksena ang pamilya ni Leon na ayaw kay Kiera. Pilit silang paghihiwalayin dahil may ibang babae silang gusto para kay Leon. Hanggang saan kaya mapapanindigan ni Leon si Kiera, kung ang buong pamilya niya ang tututol sa relasyon nilang dalawa?
10
3.2K
Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce - undefined novels & stories
PILOSOPOTASYO
Sa loob ng dalawang taong pagiging mag-asawa, kailanma'y hindi naramdaman ni Jade Ashbourne-Kingsley ang pagmamahal ng asawa niyang si Evren Kingsley. Tiniis niya ang malamig nitong pagtrato, ang paulit-ulit nitong pagpili sa ibang babae, at ang sakit ng isang kasal na siya lamang ang lumalaban. Ngunit isang gabi, tuluyan na siyang napagod. Humingi siya ng diborsyo, ngunit mariin siyang tinanggihan ng sariling asawa. Kaya nang magpasya siyang sumama sa isang lalaking buong puso niyang pinagkakatiwalaan upang tuluyang talikuran ang nakaraan at ipalasap kay Evren ang sakit na matagal niyang tiniis, isang lihim ang nagpabago sa lahat. Buntis siya. Alam niyang si Evren ang ama ng batang dinadala niya. Ngunit paano niya sasabihin ang katotohanan sa lalaking hindi kailanman pinahalagahan ang kanilang pagsasama? At sa oras na lumuhod si Evren, magsumamo, at gawin ang lahat upang maibalik ang babaeng minsan niyang itinuring na walang halaga... handa pa kaya siyang patawarin ni Jade? O huli na ang lahat para sa kaniya na ngayon lamang natutong magmahal?
10
5.3K
I Ran Away Pregnant, Now My Billionaire Ex Wants Me Back - undefined novels & stories
whiskerwords
Sa ikatlong anibersaryo ng kanilang kasal ay excited na ibinalita ni Sarina Saavedra sa asawang si Damon Zamora na magkakaanak na sila. Pero sa halip na matuwa si Damon sa balitang buntis ang asawa ay naglapag pa ito ng isang tseke na naglalaman ng sampung bilyong piso para lamang ipalaglag ni Sarina ang bata. Sa gulat ni Sarina ay hindi lamang gusto ng asawa na ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya. Kasabay ng utos nito na ipalaglag ang sarili nitong anak ay naglapag din si Damon ng divorce papers para tuluyang tapusin ang kasal nila. Sarina badly wanted to keep their baby, so she decided to flee. Tinakasan niya ang asawang si Damon at ang masaganang buhay na nakasanayan niya sa piling nito at lumipad papunta sa bansang New York. Pagkalipas ng limang taon ay muling bumalik si Sarina sa Pilipinas kasama ang kambal na anak na pilit niyang binuhay lingid sa kaalaman ng asawang si Damon. Sarina is now a renowned doctor. Successful, confident at higit sa lahat ay wala na ang takot sa dating asawa. Hindi akalain ni Sarina na ang kambal na anak pa mismo ang gagawa ng paraan para mag-krus ang landas ng mga ito at ng ama. Nang makilala ni Damon ang kambal ay gusto siya nitong balikan at muling pakasalan para maging ama sa mga anak pero hindi nagdalawang isip si Sarina na tumanggi sa alok nito. “Dream on, Damon. Wala kang anak dito!” Malamig na singhal ni Sarina. At mukhang hindi lang si Sarina ang kailangang suyuin ni Damon. Mukhang pati ang kambal na sina Luke at Luna ay kailangan niyang suyuin dahil kagaya ng dating asawa ay kinamumuhian din siya ng mga ito.
9.9
9.5K
ABANDONING US WAS HIS FIRST MISTAKE  - undefined novels & stories
ATE BHIETAT
Si Joanne Alonzo ay apat na taong nagtiis bilang asawa ni Miguel Villanueva – ngunit hindi pag-ibig o kwentong pag-ibig ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Isang kontrata lamang sa papel ang lahat, isang kasunduang kanyang pinirmahan para iligtas ang kanyang pamilya mula sa malaking utang noon. Akala ni Joanne ay makakaya niya ang lahat, na okay lang na magtiis. Ngunit nagkaroon ng kaguluhan nang bumalik si Jasmine De Leon sa buhay ni Miguel – ang babaeng tunay na minamahal ng lalaki. Kasama ni Jasmine ang kanyang anak sa pagbabalik, at nang malaman ito ni Miguel, agad siyang naghain ng file para sa divorce, tatlong buwan na mas maaga kaysa sa original na kasunduan. Ngunit may isang bagay na hindi alam ni Miguel. May dalawang anak si Joanne sa kanya. Ang panganay na si Yumi ay kamukhang-kamukha niya – isang sulyap pa lamang ay makikita agad na siya ang kanyang maliit na kopya. Habang siya ay nagpapagaling, nakahanap si Joanne ng sandalan kay Dr. Vince – isang mabait na lalaki na gumagalang sa kanya, ibang-iba kay Miguel. Habang lumalapit si Vince sa kanya, nagsimulang magbago ang ugali ni Miguel – nararamdaman niya ang pagkainis, pag-aalala, at pagkainis sa kanyang kaibigang si Vince. Mga emosyong matagal na niyang binalewala at hindi naramdaman noon. Ilang araw na lamang at matatapos na ang paghihirap ni Joanne sa piling ni Miguel. Malapit na silang pumirma ng mga papeles at makakalaya na siya. Ngunit paano kung sa mismong araw na iyon ay mabunyag ang lahat ng kanyang mga sikreto? Paano kung malaman ni Miguel na ang kambal na kanyang itinatago ay tunay na dugong Villanueva?
10
7.4K
Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall - undefined novels & stories
Marifer
Pitong taon na silang kasal, ngunit laging malamig ang pakikitungo ni Eduardo, Monteverde kay Luna Santos. Ngunit si Luna ay palagi paring nakangiti, dahil sa mahal na mahal niya ito. Naniniwala rin siya na darating ang araw, mapapainit niya ang puso nito. Ngunit ang kanyang inaantay na pag-ibig ng lalaki ay napunta sa ibang babae, at ang kanyang pakikitungo sa babaeng ito ay mabuti. Nanatili pa rin siyang determinado sa kanilang kasal. Hanggang sa kaarawan niya, lumipad siya ng libo-libong milya patungo sa ibang bansa para makasama ang lalaki at ang kanyang anak na babae, ngunit dinala nito ang kanilang anak, para samahan ang babaeng iyon, iniwan siyang mag-isa sa walang laman na silid. Tuluyan ng sumuko si Luna matapos niyang makita na ang kanyang anak na babae ay gustong palitan siya ng ibang babae bilang ina. Hindi na siya nag dam-dam pa, nag-iwan siya ng sulat sa sobre para sa kasunduan ng diborsyo, isinuko niya ang kustodiya, at umalis ng may estilo. Mula noon, hindi na niya muli itong pinansin at hinihintay na mailabas ang sertipiko ng diborsyo. Itinuring niya ang kanyang pag-alis sa kanyang pamilya bilang isang pagkakataon para bumalik sa kanyang karera. Siya, na dating hinahamak ng lahat, ay madaling makakuha ng kayamanan na umaabot sa daan-daang bilyon. Ngunit sa kanyang mahabang paghihintay, ay ang hindi lamang pagdating ng sertipiko ng diborsyo, kundi ang lalaking ayaw mang-uwi noon ay mas madalas ng umuwi ngayon, at mas lalong nagiging malapit ito sa kanya. Nang malaman niyang gusto na niyang makipaghiwalay, ang karaniwang tahimik at malamig na lalaki ay sinunggaban siya at sinabi, “Diborsyo? Imposible.”
10
4.3K
My Hot Obsession EX - undefined novels & stories
alyn14
This story contains a lot of SPG not suitable for minors. Isang kwento ng babaeng nagmahal pero iniwan lang. Isang matatag na babaeng nagmahal pero sinaktan lang. Isang babaeng tahimik, mahinhin, mapagmahal na anak, mabait, hard working at may tinatagong ganda pero iniwan at sinaktan ng isang lalaking gwapo at mayaman. Siya si Nimer ang first love niya pero may first love din na iba. Minahal niya ito higit pa sa kaniyang buhay at ginawa lahat para sa kaniya pero kulang pa rin. Kaya kahit na masakit, nakipag hiwalay siya para lumaya ito at sundin niya ang kaniyang unang pag ibig. Halos ikamatay niya ang kanilang paghiwalay pero kaylangan niyang tanggapin. Sa kaniyang pagbangon naging isa siyang palaban at naging isang kaakit akit na babae. Naging isa siyang mapaglarong babae, pinakita niya sa lahat na kaya niya ring gawin ang mga ginagawa ng mga lalaking nananakit ng kapwa niya. Sa pagtatagpong muli nila ng kaniyang EX, naging baliktad na ang mundo nila. Siya na ang humahabol dito at naging obsessed sa kaniyang alindog. Ginawa nito ang lahat para makuha niyang muli ang kaniyang tiwalang nawasak na. Halos tumira na rin ito sa kaniyang tinitirhan. Halos lumuhod ito sa kaniyang harapan balikan lang siya. Kapag nawala na pala ang pagmamahal mo sa isang tao dahil sa paulit ulit ka niyang sinasaktan mahirap na pala itong ibalik. Tunghayan po natin ang kwento ni Nimer at Jenny. May pag asa pa kayang maayos ang kanilang relasyon. May pag asa pa kayang magkabalikan silang muli.
10
3.3K
Marrying Billionaire - undefined novels & stories
victuriuz
Si Arya Morrison, gabi bago ang kanyang kasal, ay umuwi pagkatapos ng isang bachelorette party at nakarinig ng kakaibang ingay mula sa banyo. Natuklasan niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Caroline at ang kanyang kasintahang si Daniel, na may relasyon. Si Arya ay nawasak sa kanilang pagkakanulo. Kinabukasan, pumunta siya sa Civil Affairs Bureau para harapin si Daniel, ngunit kinansela niya ang kasal dahil sa aksidente ni Caroline. Nagpasya si Arya na huwag magpakasal sa kanya at lumayo. Di-nagtagal, nakatagpo niya si Allen Jones, ang CEO ng Dahua Entertainment, na nagmamadaling maghanap ng nobya. Sinamantala ni Arya ang pagkakataon at inialok ang sarili bilang isang potensyal na nobya sa kabila ni Daniel. Isinasaalang-alang ni Allen ang kanyang panukala, at ang kuwento ay nag-hang sa pananabik….
10
4.7K
THE MISTREATED WIFE: MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIA - undefined novels & stories
Marifer
Paninumula: Pagkatapos ng limang taon na patago nilang kasal, hindi kailanman malapit sa kanya ang kanyang asawa sa harap ng iba. Hanggang sa isinama nito ang kanyang dalawang anak na lalaki at maging si Trixie Domingo para mag candle light dinner at makatanggap ng papuri mula sa pamilya ni Shania mula sa internet bago ito tuloyang mamaalam. Nang marinig niya ang kanyang anak na tinawag itong "Auntie Trixie" dahilan ng pagkaguho niya at pagkawalang interest nito sa asawa niya na kailanman ay hindi ito mahal maging ang kaniyang mga anak ay kinamumuhian siya. Naisipan na lamang ng Thessa na magpaka layo-layo at tanging paraan niya lamang ay mahalin ang sarili matapos ang pakikipag diborsyo sa asawa nito, at balikan ang dating maliit na negosyo sa Baranggay Payapa, doon ay nakakapag experimento siya ng mga halamang para sa mga may sakit , at mga halamang pang paganda. Matapos malaman na gusto niyang maghanap ng Tatay para sa anak niyang Babae , isang sayantipikong boss, isang financial tycoon , at isang nangungunang idolo sa isang aktibadong teleserye at lahat ng mga ito ay nag rekomenda at nagpakilala sa kanilang sarili. Para humingi lamang ng pabor. Kalaunan ang kanyang dating asawa ay biglang lumuhod at punong puno ito ng pagsisi sa mukha, "Thessa" mahal kita pwede ba tayong magpakasal muli? Ang tila bosses na puno ng pagsisi ng kanyang asawa. "Carlo" para alam lang alam mo sariwa pa saakin ang lahat ng nagyari mula ng ikaw ay nagloko! Maging ang mga anak nito ay nagmakaawa na rin na balikan sila: "Nay" ikaw ang kailangan namin. At si Thessa ay iwinagayway na lamang ang mga kamay, " Hindi!" Hindi ko na kaya pa.
10
8.2K
The Heiress He Never Knew - undefined novels & stories
SKYGOODNOVEL
Babala: Ito ay kathang-isip lamang. Sa loob ng apat na taon, isinakripisyo ni Amanda Smith ang marangyang buhay bilang nag-iisang tagapagmana ng isang multi-billionaire family upang mabuo ang pamilyang pinili niya kasama ang asawa niyang si Dante. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Sandra, ang secretary ni Dante. Unti-unting naging malapit si Sandra sa kanyang asawa hanggang pati ang labing-isang taong gulang nilang anak na si Zaha ay tinawag itong “Mommy Sandra.” Sa kanilang anniversary, sa halip na makasama ang kanyang pamilya, natuklasan ni Amanda na mas pinili nina Dante at Zaha na kumain kasama si Sandra. Doon tuluyang nabasag ang pusong apat na taon niyang ipinaglaban. “Dante, I want a divorce.” Iniwan ni Amanda ang asawa, anak, at bahay na minsan niyang itinuring na tahanan. Ngunit hindi alam nina Dante, Sandra, at Zaha ang pinakamalaking sikreto—si Amanda ay isang billionaire heiress. Ngayong bumalik na ang tunay na Amanda Smith, matututunan nilang huwag maliitin ang babaeng minsan nilang itinuring na walang halaga. Dahil sa pagkakataong ito, hindi na siya babalik para humingi ng pagmamahal. She will return to make them regret losing her. And now, she wants revenge for everything he did to her.
10
4.0K
Too Late For Sorry, Mr. Billionaire - undefined novels & stories
L O W K E Y
Matapos ang tatlong taon ng walang pamamahal na pagsasama, nagpasya si Hera na hiwalayan ang bilyonaryong asawa na si Jaxen nang mamatay ang kanilang anak sa isang trahedya habang inuuna nito ang kanyang unang pag-ibig. Akala ni Jaxen ay hindi mabubuhay si Hera nang wala siya, ngunit makalipas ang isang taon, nagbalik si Hera bilang isang matagumpay at palaban na international designer. Ngayon, si Jaxen naman ang humahabol at nagmamakaawa, habang si Hera ay handa nang itapon ang lahat ng alaala nila para sa kanyang bagong simula. Sa pagitan ng paghihiganti at paghilom, kailangang piliin ni Hera kung bibigyan pa ba niya ng pagkakataon ang lalaking minsang sumira sa kanya o tuluyan na itong buburahin sa kanyang buhay.
5.2K
The Unwanted Wife’s Revenge  - undefined novels & stories
Joyanglicious
Iniwan, ipinahiya, at tinrato lamang bilang isang “opsyon”—ganyan ang naging kapalaran ni Tatiana Angeles sa kamay ng lalaking minahal niya nang buo. Ngunit ang babaeng minsang nilugmok ay babangon… hindi para magmakaawa, kundi para singilin ang lahat ng nagpasakit sa kanya. Pagkalipas ng apat na taon, muling bumalik si Tatiana—hindi bilang asawang itinapon, kundi bilang isang makapangyarihang babae na handang bawiin ang dangal at kontrolin ang laro. Sa mundo ng negosyo, intriga, at lihim na paghihiganti… sino ngayon ang mananatiling nakatayo?
6.0K
Falling for My Ex-husband Again - undefined novels & stories
Elara Night
Neah was pregnant the night she desperately kept calling her husband while writhing in pain. But instead of answering her cries for help, Dave chose to stay in his meeting. At sa gabing iyon, hindi lang nila nawala ang kanilang anak—nawala rin ang pagmamahal na unti-unti nang gumuho sa pagitan nila. Two years later, Dave is finally at the peak of success as the top CEO candidate, while Neah is slowly rebuilding the life and heart he once shattered. But when fate brings them together again, Dave realizes that all his achievements mean nothing without the woman he once neglected. Pero paano kung ang pagkasira ng kanilang pagsasama ay hindi lang dahil sa kanyang kapabayaan… kundi dahil sa mga taong lihim na sumira sa kanila? And when Dave finally learns the truth, will there still be a family waiting for him… or is he already too late?
10
4.0K
ONE NIGHT MISTAKE WITH MY RUTHLESS EX-HUSBAND - undefined novels & stories
febbyflame
“I need you. Babayaran kita, just name your price, after.” Umiling si Carol, “N–No, don’t– huwag kang lalapit.” mariin na tugon ni Carol, habang unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkahilo at pinipilit na lumalayo siya sa estrangherong lalaki. “Wala pang babaeng tumanggi sa akin ng ganito. Sorry, Miss, but I won’t let you go that fast– not now that I need you, bago pa ako magkalat ng eskandalo sa labas.” — Carol is secretly married with someone na hindi niya pa kahit kailan nakikita. Dalawang taon na silang kasal, pero sa picture lang, tapos bata pa roon ang asawa niya sa picture. Nang araw na kikitain na niya ang kaniyang asawa sa condo unit nito ay aksidente siyang napagkamalang bayarang babae ng isang lalaki, at ipinasok siya sa isang unit na may tila isang lasing at naka-drogang lalaki. After that night, tumakas siya at takot na takot na mahanap pang muli ng lalaki. Not knowing that is her husband! Laking gulat niya ng pag-uwi niya sa bahay ay annulment papers ang naghihintay sa kaniya. She thought she would be free now, ngunit ang hindi niya alam ay nakatakas man siya sa kaniyang asawa, pero nabaliw naman ito sa kaniya dahil sa gabing may nangyari sa kanila at pilit na ipapahanap siya sa mga tauhan nito! Kapwa nila hindi alam na mag-asawa pala sila!
10
3.2K
PREV
12345
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status