Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Divorce×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Divorce Web Novels & Stories

Explore Divorce novels and web novels with engaging stories and immersive reading. Browse popular stories online and find your next favorite read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
Divorced My Cheating Husband, Married His Possessive Uncle - undefined novels & stories
Docky
Sa loob ng anim na taon nilang pagsasama, walang ginawa si Zia kung hindi ang maging mabuting may bahay at suportahan ang negosyo ng kaniyang asawa. Matapos niyang matuklasan ang matagal ng pagtataksil ni Ace, ang kaniyang asawa, nagpasya siyang ayusin muli ang kaniyang karera at bawiin ang kung anumang nararapat para sa kaniya. Buo na ang loob niyang makipag-diborsyo. Gayunpaman, naniniwala si Ace na ang pisikal na pagtataksil ay isang kasalanang mapapatawad pa kaya't ginawa niya ang lahat para mabuong muli ang tiwala ni Zia pero huli na ang lahat. Habang nalulunod sa galit at sakit ay aksidenteng nakaniig ni Zia si Zayn Alexander Evans, ang makapangyarihan at dominanteng bilyonaryo na siyang tiyuhin din ng kaniyang taksil na asawa. Ipinahanap siya nito pero ibang babae ang nagpakilala rito at sa takot na mabunyag ang kanilang aksidenteng kasalanan, nanatiling tahimik si Zia hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis sa kasal na unti-unting sumasakal sa kaniya. Matapos makamit ang kalayaan, pagbibigyan ba ni Zia ang kaniyang sariling maging masayang muli sa piling ng tiyuhin ni Ace? Paano kung alukin siya nito ng kasal? Hahayaan niya bang isipin ng ibang tao na kaya siya nakipaghiwalay sa kaniyang asawa ay dahil nais niyang pakasalan ang tiyuhin nito? Ang lalaking walang awa at malamig sa lahat ngunit sobrang maalaga at malambot ang puso pagdating sa kaniya.
10
16.2K
The Billionaire's Secretary  - undefined novels & stories
Beautiful Skyn
Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
10
17.4K
Mr. Saltzman Rejected Wife - undefined novels & stories
TheExplorerPink
Isa sa pinakamasakit para sa isang babae ay halos ibigay mo na ang lahat sa isang lalaki, pero hindi pa pala iyon sapat. Labis-labis ang pagmamahal na ibinigay ni Diana para kay Jeremy. Wala na siyang itinira para sa sarili niya. Kahit alam niya na hindi pa rin nakaka-move on si Jeremy sa ex girlfriend nito ay hindi iyon inisip ni Diana. Kaya naman nang alukin siya ng ama ni Jeremy na magpakasal kay Jeremy ay hindi na nagdalawang-isip pa si Diana. Pumayag siya agad. Akala niya ay makakalimot din si Jeremy, na mahahalin din siya nito katulad ng pagmamahal nito sa ex girlfriend. Pero iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ni Diana. Two years being Mrs. Saltzman, pero ni isang beses ay hindi niya naramdaman na naging asawa si Jeremy sa kanya. Mas lalo pang sinampal ng katotohanan si Diana nang biglang bumalik ang ex girlfriend ni Jeremy at mag-file ito ng divorce pagkatapos niyang malaman na buntis siya.
9.4
21.0K
Running Away From My Billionaire Baby Daddy - undefined novels & stories
Purplexxen
Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
10
23.7K
Living With My Husband's Mistress - undefined novels & stories
Darn Maligaya
Maayos ang paghihiwalay ng mag asawang Jamie Rodrigo at Lance Rodrigo, ngunit sa isang pangyayari nagkatagpo muli ang kanilang landas at nagkalapit muli ang kanilang loob, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Nabuntis ni Lance Rodrigo ang kaniyang dating asawa na si Jamie Rodrigo habang may kinakasama na siyang iba.
9
23.0K
Her Billionaire Babymaker Is Her Ex-husband's Brother - undefined novels & stories
Anne Lars
Limang taon na kasal si Yeon Na kay Henry, pero sa isang iglap, naghiwalay rin sila dahil sa isang masakit na paratang na baog daw siya. At para gawing mas masahol pa ang lahat, isang linggo matapos ang diborsyo nila, nakatanggap pa siya ng imbitasyon sa baby shower ng sarili niyang nakababatang kapatid—na buntis sa dating niyang asawa. Bigo man at sugatan ang puso, gumawa siya ng isang matapang na desisyon. Lumapit siya sa nag-iisang lalaking alam niyang makakatulong para muling mabawi ang dignidad niya—si Sire Vemeer, ang kanyang boss. Isang kilalang playboy, isang bilyonaryong CEO, at... half-brother ng ex-husband niya. Hindi para umibig. Hindi para magka-relasyon. Isa lang ang gusto niyang mangyari... ang mabuntis. Kung nakaya siyang pagtaksilan ng kanyang kapatid at ni Henry, kaya niya ring gumawa ng paraan para gumanti sa mga ito. Gagamitin niya rin ang kapatid ni Henry para maipamukha rito na hindi siya baog. Na kaya niyang magdalang-tao. Pero paano kung ang panandaliang plano ay mauwi sa permanenteng koneksyon? At paano kung, sa gitna ng paghihiganti, matutunan niyang magmahal muli, sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya pinangarap?
10
23.5K 27 reviews
LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET - undefined novels & stories
miss_hannacalie
Akala ni Margaret, sapat na ang pagmamahal para buuin ang isang pamilya. Pero matapos ang pitong taon ng malamig na pagtrato, pagtataksil ng asawa, at pangungutya ng sariling anak, napuno na siya. Iniwan niya ang lahat—at muling binuo ang sarili. Ngayon, isa na siyang sikat na fashion designer at pintor na hinahangaan sa buong mundo. Pero ngayong wala na siya, bigla silang ayaw siyang pakawalan. Bakit kailangang mawala siya bago nila mapagtanto ang halaga niya?
9.5
22.8K
Marriage Contract: My Ruthless Husband Wants Me Back - undefined novels & stories
Atlantis
Tuluyan nang nagising si Mayumi Romero sa katotohanang hindi siya kayang mahalin ng mabagsik at walang pusong business conglomerate na si Miguel Lopez. Ang kasal nilang dalawa ay nasa ilalim lang ng isang marriage contract at walang ibang gusto ang lalaki kung hindi ang serbisyo niya—ang magpanggap na mabuting asawa sa harap ng ina nito at ibigay ang pisikal na pangangailangan nito kapalit ng salapi. Ang pantasya niyang mamahalin din siya ng lalaki ay nawasak nang makulong siya sa malas na relasyon. Sa una’y kayang-kaya niya pang tiisin ang panlalamig at trato sa kaniya ng lalaki. Subalit nang pinilit siya nitong ipalaglag ang kanilang anak, kinain na ng poot at pagkamuhi ang pagmamahal niya. Nilisan niya ang Pilipinas at hinayaang pagalingin ang sarili matapos ang matinding sakit. Sa pagbabalik niya, napag-alaman niyang kay tagal siyang hinintay ni Miguel. Umaasang mapapatawad at babalikan niya ito ngunit huli na ang lahat para sa kanilang dalawa simula nang pinapatay nito ang kanilang anak.
10
20.3K
Don't touch the Billionaire's wife - undefined novels & stories
B.NICOLAY/Ms.Ash
Makikipaghiwalay si Sarah sa asawa upang mahanap ang mga anak. Lingid sa kaalaman ng lalaki ang katotohanan na iyon at mayroon siyang triplets na pagka-anak niya ay ibinigay sa kaibigan. Paano kung isang araw ay malaman niya na ang ama ng mga anak ay ang siya rin palang naging asawa niya ngunit huli na ang lahat dahil nawawala ang mga ito.
8.8
20.8K
Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy - undefined novels & stories
Twinkling Stardust
Mahal ni Camila si Brix kaya sobrang saya niya nang ikasal sila at magkaanak. Pero bago siya manganak, nalaman niyang kukunin ni Brix ang bata at ipapaalaga sa kababata nitong si Daisy dahil ayaw nitong si Camila ang makagisnang ina ng anak. Sa sakit at galit, naaksidente si Camila at humiling ng divorce. Makalipas ang tatlong taon, bumalik siya kasama ang anak nila, pero nalaman niyang hindi itinuloy ni Brix ang divorce. “Do you think you can run away from me, Camila? Think twice. Dahil kahit saang sulok ng mundo, mahahanap kita. You're my wife and forever you'll be,” ani Brix at unti-unting lumapit kay Camila na panay ang urong ngayon. “No! I don't want you to be my Daddy! Divorce my Mommy right now!” sigaw ng bata na nasa likod pala ng dalawa.
10
20.0K
My Ex-husband's Regrets - undefined novels & stories
LoquaciousEnigma
Walang ibang nais si Hyacinth Hilton-Ferrer kundi ang matanggap ni Vash Arsean Ferrer, ang kanyang asawa, ang kanilang anak na si Sean Vander Ferrer. Pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya ang lahat para lang makuha muli pabalik ang asawa niya mula sa traydor niyang kaibigan na si Megan Briones. Sabi niya sa sarili niya ay hindi siya susuko hangga't hindi sila natatanggap ni Vash. Ngunit, bawat tao ay napapagod din. Dahil ayaw na ni Hyacinth na masaktan pa ang anak niya ay pinili na lang niyang sumuko sa pagmamakaawa sa asawa niya. Sa hindi inaasahan, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Akala niya ay siya ang maghahabol sa kanyang asawa, ngunit kabaligtaran pala.
10
23.5K
Pregnant and Gone, the Billionaire Begged for Her Back - undefined novels & stories
MysterRyght
Nang araw na natuklasan ni Vanessa na buntis siya ulit ay siya ding araw na natuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang asawang si Daniel. Wala siyang kamalay-malay na habang nangungulila siya sa pagkamatay ng kambal nila sa loob ng limang taon ay bumuo na pala ng sariling pamilya si Daniel. Nakita mismo ng kanyang mga mata kung gaano kabuo ang pamilya nito kasama si Lorraine, ang babaeng pinagkatiwalaan niya at anak ng mga ito na si Liam. Kasabay ng tagpong iyon ay ang tuluyang pagkawala ng matinding pag-ibig na nararamdaman ni Vanessa para sa asawa at ang natira na lamang ay galit at pagkapoot. Itinago ni Vanessa ang tungkol sa kanyang pagdadalang tao at nakipaghiwalay kay Daniel. Sa unang pagkakataon, nabasag ang boses ni Daniel. “Nessa… Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon.”
10
17.7K
Rekindled Romance After Divorce - undefined novels & stories
Purple Moonlight
Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
10
18.6K 10 reviews
The Scorned Wife’s Billionaire Revenge On Her Scumbag Husban - undefined novels & stories
Mrs. Bliss
Sa gitna ng kanyang pagbubuntis, ang mundo ni Maliya Alonto-Argente ay gumuho. Sa mismong araw ng kanyang prenatal checkup, nahuli niya ang kanyang asawang si Luke Argente na may kasamang iba—isang bata at magandang mistress. Pagod, mabigat ang katawan, at luhaan—hinarap niya ang pangungutya ng kabit nang tinawag siya nitong “ante“ at ang malamig na pagtanggi ng asawa. Ang walong taon ng wagas na pag-ibig at sakripisyo ay itinapon na parang basura. Pumayag siya sa alok ng pakikipaghiwalay, pagkatapos manganak. Limang taon ang lumipas. Nagbalik ang isang babaeng hindi na makikilala ng sino man. Si Maliya Alonto ay isa nang makapangyarihang bilyonarya, tinitingala sa ganda, at pilit na inaabot ng pinaka-impluwensyal na mga lalaki. Ngunit sa kanyang pagbabalik, may isang aninong ayaw siyang pakawalan. Si Luke Argente, ang lalaking dati ay diring-diri sa kanya, ay naging isang obsesibong stalker. Gagawin niya ang lahat para mabawi ang babaeng dati niyang minaliit. Sa huling pagkakataon, nang malaman niyang magpapakasal na si Maliya sa iba, galit siyang sumugod at isinandal ang babae sa pader. “Maliya, I won’t allow you to belong to anyone else. You’re mine alone. Mine.”
10
17.4K
The Godfather  - undefined novels & stories
Darkshin0415
Dahil sa pagmamahal ni Mara kay Logan, ay nagawa niyang pikutin ang binata. Ang akala niya, kapag magtagumpay siya sa kanyang plano ay mamahalin siya nito. Pero mali siya, dahil ginawang miserable ni Logan ang buhay niya. Hanggang sa sumuko siya at piniling palayain ito, at hanapin ang taong mamahalin siya ng totoo. Nang nakilala niya si Nathan, ay akala niya, ay magiging masaya na siya. Pero mali siya, dahil muling bumalik sa buhay niya si Logan. Babalikan niya kaya ito, at kalimutan ang mapait na dinanas niya rito? O pipiliin si Nathan, na walang ibang ginawa kun'di ang mahalin siya, kahit alam nito na ang ninong niya ang unang nagmamay-ari kay Mara.
10
23.4K
THE DOCTOR’S GREATEST REGRET : When His Wife Stopped Waiting - undefined novels & stories
NIGHT
Sa araw mismo ng Christmas Day, isang “surprise” ang natanggap ni Shiena—pero hindi ito ang pagbubuntis na inaasahan niyang ikatutuwa ng asawa niya. Instead, she discovers the cruel truth inside the hospital lounge: she was never the wife he truly wanted. Isa lang siyang kapalit. A shadow of the woman her husband, the brilliant and untouchable doctor William, could never forget. Shattered by betrayal, humiliation, and the child growing inside her womb, Shiena chooses to walk away from the marriage she fought so hard to protect. But leaving the man she loved turns out to be the biggest mistake. Because the moment she disappears, the cold doctor who never explained, never cared, and never looked back begins to realize the one truth he was too blind to see: the woman he pushed away was the only one who ever truly loved him. Now that she’s rebuilding her life, chasing the dreams she once sacrificed for him, William is determined to get her back. But what if the woman he broke no longer wants to be healed by him? And what if the child he never knew existed becomes the proof of the doctor’s greatest mistake? … Napaatras si Shiena nang mariin nitong isinara ang pinto ng office. His hand slammed against the wall beside her head, trapping her between his body and the cold surface. His usually calm eyes were now filled with desperation. “You left without a word… and you think I’ll let you disappear again?” “Too late, Doc. You already chose her.” Then he lowered his gaze to the little boy hiding behind her legs. For the first time, the great Dr. William De la cruz looked cruletely shattered. “He’s… mine?” “That was the child you threw away before you even knew he existed.”
10
17.9K
Carrying My Billionaire Ex-husband's Child - undefined novels & stories
IzumiMori
Vhianne Del Valle, was three weeks pregnant, when her husband, Ezekiel Hudson, handed her a divorce papers. "Erah is back. I don't need you anymore." He coldly said. Sa halos tatlong taon nilang pagsasama, alam ni Vhianne na kahit kailan ay hindi talaga siya minahal ni Ezekiel, at ngayong nandito na ulit ang first love niya, tuluyan na siyang nawalan ng halaga sa asawa niya. Kaya hindi na siya nagdalawang isip na pirmahan ang divorce papers. But when Vhianne leave their house, Ezekiel saw a positive pregnancy test left behind their drawers— he begs for her to comeback.
10
17.6K
The Abandoned Wife's Bold Revenge Shocks the Billionaire CEO - undefined novels & stories
Lavender Skye
Nalaman ni Marian Navarro na niloloko siya ng asawa niyang si Arturo Mendoza. May relasyon ito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo. Ngunit hindi niya inakalang ang kapatid niyang si Jessica pala ang babaeng iyon, at sa pamilya nila, siya lang ang walang alam. Noon, sikat na couple sina Arturo Mendoza at Jessica Navarro. Alam ng lahat na si Jessica ang pinakamamahal ni Arturo. Ngunit tatlong taon na ang nakalipas, isang aksidente sa kotse ang nag-iwan kay Arturo na coma, at biglang nawala si Jessica sa panahong iyon. Dahil dito, kinuha siya ng pamilya Navarro mula sa probinsya at pinilit na pakasalan si Arturo—sa halip na si Jessica dahil daw wala nang silbi ang taong comatose. Matagal nang minahal ni Marian si Arturo, kaya nang malaman niya ang sitwasyon, pumayag siyang pakasalan siya kahit wala itong malay. Tatlong taon siyang nag-alaga kay Arturo habang comatose, nanatili sa bahay, iniiwasan ang lipunan, at ibinuhos ang lahat ng oras sa pagpapagaling sa kaniya. Naging housewife siya na umiikot ang mundo sa asawa niya… hanggang sa tuluyang magising si Arturo. Pero si Jessica pa rin ang pinili. Tatlong taon ng sariling awa at lungkot ang naiwang alaala kay Marian. Hindi siya minahal ni Arturo, ngunit siya ay nagmahal ng totoo. Pagod na siyang maging sunud-sunuran kaya nagpasya siyang makipaghiwalay sa araw ng birthday ni Arturo. Binago niya ang sarili niya. Pinakita sa lahat na hindi siya isang babaeng basta na lang tapak-tapakan. Handa na ba si Marian na ilagay sa alanganin ang buong mundo ng isang bilyonaryong lalaki… at ibaliktad ang lahat ng alam niya tungkol sa kapangyarihan, pera, at pag-ibig?
9.9
17.4K
When My Husband Chose His Ex - undefined novels & stories
Author Rain
Si Daisy ay masayang namumuhay kasama ang kanyang asawang si Vince hanggang sa matuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko nito. Isang araw, may nakita siyang post sa social media tungkol sa isang napakagandang mansyon na halos kapareho ng mansyon na ipinatayo ni Vince para sa kanya. Pareho ang disenyo, ang fountain, at maging ang kabuuang ayos ng bahay. Ngunit may isang detalyeng agad na nakakuha ng kanyang pansin. Sa kanilang mansyon, punong-puno ng daisy ang hardin dahil iyon ang paborito niyang bulaklak. Samantalang ang hardin ng kabilang mansyon ay napapalibutan ng libu-libong rosas. Rose. Iyon ang pangalan ng dating kasintahan ni Vince. Dahil sa matinding pagdududa, lihim niyang sinundan ang asawa. At doon niya natuklasan ang pinakamasakit na katotohanan. Sa mismong mansyong nakita niya sa social media, nasaksihan niyang masayang niyayakap ni Vince ang dating kasintahang si Rose, habang isang batang lalaki ang masayang tumatakbo papunta rito at tinatawag itong Daddy. Labis na nadurog ang puso ni Daisy. Mas masakit pa rito, limang taon na ang nakalipas mula noong isakripisyo niya ang kanilang anak at ang kakayahan niyang magkaanak upang mailigtas ang buhay ni Vince. Nangako noon si Vince na mamahalin siya nito habambuhay kahit hindi na niya ito mabigyan ng anak, pero nilabag nito ang pangakong iyon dahil bumuntis ito ng ibang babae. Nagpasya si Daisy na iwanan ang asawa, pero nalaman niyang hindi pala legal ang kasal nila. Upang makapagsimula ng panibagong buhay, tinanggap niya ang alok na kasal ni Mr. Torres sa anak nitong si River, isa sa mga business rival ng Lawrence Group.
10
23.5K
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE - undefined novels & stories
SKYGOODNOVEL
"5 Million, kapalit magpakasal sa akin!" Isang hindi kilalang lalaki ang bigla na lang nag-alok kay Kara Smith Curtiz ng isang kasunduang hindi niya inaasahan. Si Kara, 23 years old, ay anak ng dating mayamang pamilya, ngunit matapos malugi ang kanilang kumpanya, nagkaroon ng stroke ang kanyang ama at halos mawalan ng pag-asa ang kanyang ina. Bilang panganay, pasan niya ang responsibilidad na ibangon muli ang kanilang pamilya. Sa desperasyon, napilitan siyang tanggapin ang kasal sa lalaking hindi niya kilala. Ngunit sino nga ba siya? At bakit siya handang magbayad ng ganoon kalaking halaga para lang mapakasalan siya? Habang unti-unting nakikilala ni Kara ang lalaking ito, natuklasan niyang hindi lang ito basta isang estranghero. May lihim siyang dahilan, at sa kabila ng malamig at misteryosong ugali nito, may isang ng lahat, ang pinansyal na transaksyon ay mauwi sa isang bagay na hindi niya inaasahan—pag-ibig?
10
20.2K
PREV
12345
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status