Novels
Short Stories

Genres

Romance×
All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
CEO×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Forgiveness×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

CEO Romance Web Novels & Forgiveness Stories

Explore Romance novels and web novels featuring CEO with Forgiveness, engaging stories, and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
THE BILLIONAIRE'S UNFORGOTTEN LOVE - Romance novels & stories
sj
May mga pag-ibig na hindi nakakalimutan. May mga lihim na kayang magpabago ng kapalaran. At may mga pusong muling pagtatagpuin ng tadhana. Si Isabella Marie Santos ay isang simpleng dalagang lumaki sa tahanan ng pinakamayamang pamilya sa kanilang lungsod. Anak ng isang kasambahay, tahimik, mahilig mag-aral, at may pambihirang talino sa agham at teknolohiya. Sa kabila ng kaniyang simpleng buhay, iisa ang kaniyang pangarap—makatuklas ng mga gamot na makapagliligtas ng buhay, bilang pagtupad sa pangakong binitiwan niya sa kaniyang yumaong ama. Ngunit may isang bagay na hindi niya kayang pag-aralan o kontrolin: ang puso niyang matagal nang nagmamahal kay Alexander William Montgomery, ang tagapagmana ng isang bilyonaryong pamilya. Lumaki silang magkaibigan, ngunit habang tumatanda sila, unti-unting nagiging malinaw ang pagitan ng kanilang mga mundo. Para sa pamilya ni Alexander, hindi kailanman magiging karapat-dapat ang isang anak ng kasambahay na makasama ang kanilang tagapagmana. Kaya pinili ni Isabella na talikuran ang pag-asang mahalin ng lalaking matagal niyang pinangarap at ituon ang sarili sa kinabukasang kaya niyang likhain. Ngunit paano kung ang babaeng akala ng lahat ay walang pangalan at kapangyarihan ay may nakatagong nakaraan na hindi pa niya lubusang nakikilala? Paano kung ang lalaking minsang hindi nakakita sa kaniyang halaga ay balang araw mangailangan ng tulong mula sa kaniya? At paano kung isang hindi inaasahang pangyayari ang mag-uugnay sa kanilang mga buhay sa paraang hindi nila kailanman pinangarap? Sa pagitan ng pag-ibig, ambisyon, pamilya, at mga lihim, matutuklasan nilang hindi lahat ng bagay ay nabibili ng kayamanan—at hindi lahat ng pusong nasaktan ay kayang magpatawad. Dahil minsan, ang taong iyong binale-wala ang siya palang pinakamahalagang taong hindi mo dapat nawala.
744
MY UNEXPECTED LOVE  - Romance novels & stories
Calut qho
Dahil sa kagustuhang makuha ang posisyon at ang kumpanya, lihim na nagpakasal sina Ezra at Daryll sa tulong ng kaibigan at pamangkin ni Daryll na si Angel. Sa simula isa lamang itong kasunduan, ngunit kalaunan unti-unting umusbong ang damdaming hindi nila inaasahan. Napuno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama, at halos perpekto na ang lahat. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik mula sa kanilang nakaraan? Makuha pa kaya nilang magsama ng maayos at tahimik? TUNGHAYAN!!
10
664
Tempted by My Friend’s Younger Brother - Romance novels & stories
Aria
Sa edad na 35, pagod na si Joy sa pakikipaglaban sa buhay—brokenhearted, sakal sa pressure sa trabaho, at sukang-suka na sa walang katapusang pakikialam ng kanyang pamilya. Ngunit sa pagbabalik mula abroad ni Javier—ang nakababatang kapatid ng kanyang matalik na kaibigan na isa nang makapangyarihan at napakayamang billionaire—muling nagbago ang lahat. Sa kabila ng kanyang yaman at mataas na antas sa lipunan, iisang babae lang ang matagal nang nagpapatibok ng puso niya. “Ate Joy... hindi na ako bata. At hindi na lang din simpleng 'Ate' ang tingin ko sa 'yo.” Sa gitna ng buhos ng ulan at sa palihim na paghawak ng kamay sa ilalim ng mesa, nagsimula ang isang matamis ngunit bawal na pag-iibigan. Handa ba nilang ipaglaban ang isa't isa laban sa diskriminasyon sa antas ng pamumuhay at sa sarili nilang pamilyang gustong sumira sa kanila?
217
Don't Leave Me Loving You - Romance novels & stories
Loen Scorp
Hinayaan ni Dianne na mahulog ang puso kay Ruan na hindi nagkulang sa pagpaparamdam sa kanya ng tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. But their fairy tale love story ended so suddenly. Binalewala niya ang mga magulang hanggang sa ilang taon siyang binabangungot ng katotohanang nawala ang mga ito dahil sa kagagawan niya. Daven came and rescued her from her gloomy past. Ngunit may mga bagay sa kanyang nakaraan na kailanman ay hindi siya tatantanan, katulad ni Ruan na naghahanap ng dahilan kung bakit niya ito iniwan noon nang walang paalam.
10
293
CHASING HIS PREGNANT EX-WIFE - Romance novels & stories
MARIÑAS
"Inakala ko na sapat ang pagmamahal para manatili. Hindi ko alam na ang pamilya ng asawa ko mismo ang sisira sa lahat." Nang pakasalan ni Natalia Camille Sarmiento ang lalaking pinakamamahal niya, alam niyang hindi siya kailanman tatanggapin ng mayaman at makapangyarihang pamilya Araneta. Sa kabila ng pangmamaliit, pang-iinsulto, at paulit-ulit na pagpaparamdam na hindi siya nababagay sa kanilang mundo, pinili niyang manatili alang-alang sa pagmamahal niya kay Sebastian Rafael Araneta. Ngunit sa gabing ipinahiya siya sa harap ng daan-daang bisita, kasunod na dumating ang balitang na-stroke ang kanyang ama at nangangailangan ng agarang operasyon. Habang desperado siyang humihingi ng tulong sa asawa, isang malupit na kasunduan ang inilatag ng ina ni Sebastian—pera kapalit ng tuluyan niyang paglayo sa buhay ng lalaking mahal niya. Para mailigtas ang ama, isinakripisyo ni Natalia ang sariling kaligayahan at naglaho nang walang paalam. Ngunit may dala siyang lihim na kayang baguhin ang lahat. Nang malaman ni Sebastian ang katotohanan, huli na ang lahat. Wala na ang babaeng ipinangako niyang poprotektahan. Makakaya pa kaya niyang bawiin ang pag-ibig na minsang ipinagkait niya... o tuluyan na niyang nawala ang kanyang asawa at ang kinabukasang sabay nilang pinangarap?
546
The Boy She Was Meant to Hate - Romance novels & stories
coalchamber13
Blurb: "I hate you." Those were the words Heidi Fernandez always threw at Zacchaeus Ongpauco—the notorious bad boy she blamed for the pain her best friend suffered. To Heidi, Zacchaeus represented everything she despised: arrogance, trouble, and heartbreak. But fate has a strange sense of humor. Forced together by circumstances they cannot avoid, their constant arguments slowly reveal hidden truths, buried wounds, and feelings neither of them expected. As hatred turns into attraction and attraction becomes love, Heidi and Zacchaeus find themselves caught between their hearts and the people determined to keep them apart. They say some people are brought together only to learn they were never meant to be. But what if that saying is wrong? What if love is worth fighting for?
483
From Ugly Duckling To His CEO Secretary  - Romance novels & stories
Inkyut
Dala ang ultrasound ng kanilang anak, nagmadali si Zarie sa opisina ni Lucas upang ibigay ang pinakamasayang balita ng kanyang buhay. Ngunit sa harap ng pinto, gumuho ang mundo niya. Narinig niya si Lucas at ang kanyang mga kaibigan—siya pala ay isang taya lamang. Isang pustahan. Ang pagmamahal na inakala niyang totoo ay panloloko lang, at ang kanyang itsura ang naging katatawanan sa kanilang laro. Hindi siya umiyak sa harap nila. Hindi siya nagmakaawa. Tinitigan niya si Lucas sa mata, pinigil ang luhang gustong pumutok, at nangakong hindi na siya muling magpapakita. Dala ang sikretong buntis siya, iniwan niya ang lalaking sumira sa kanya—at nangakong babalik na hindi na siya ang dating mahina at minaliit. Makalipas ang ilang taon, si Zarie ay ganap nang nagbago. Matagumpay, maganda, at puno ng tiwala sa sarili. Hindi na siya ang babaing tinapakan noon. Ngunit muling nagtagpo ang kanilang landas ni Lucas—at sa pagkakataong ito, hindi na siya ang natatakot at nagtatago. Siya na ang hahawak ng baraha. Ngunit may isang katotohanang hindi niya kayang itago habang-buhay—ang anak na lumaki nang hindi alam ang ama. At kapag bumukas ang sikretong iyon, ang lahat—pag-ibig, paghihiganti, at pagpapatawad—ay sabay-sabay na haharap sa kanya. Handa na ba si Zarie sa bagong laban na ito?
240
Second Change With Mr. Billionaire - Romance novels & stories
annerie15
Labis na nasaktan si Belinda noong iniwan siya ng kaniyang nobyo sa harap ng altar. Hinintay niya ito pero hindi na ito muling nagpakita. Tatlong taon ang nakalipas ay muli itong nagpakita bilang boss sa kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan. Magawa pa kaya niya itong mapatawad kung malaman niyang ang totoo?
509
The Billionaire’s Ultimate Regret: Chasing His Ex-Wife - Romance novels & stories
WriteWithPinky
Isinuko ni Beatrice ang kaniyang mga pangarap para sa lalaking minahal niya nang buong puso. Ngunit sa loob ng apat na taon, ang tanging natanggap niya mula sa bilyonaryong si Iñigo Saldivar ay malamig na pakikitungo, pangmamaliit, at paulit-ulit na sakit. Hanggang sa isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanilang kambal na anak. Habang duguan at naghihintay sa ospital, paulit-ulit niyang tinawagan ang kaniyang asawa. Ngunit hindi siya sinagot ni Iñigo dahil abala ito sa pag-aalaga sa babaeng tunay nitong minamahal. Doon tuluyang nadurog ang puso ni Beatrice. Hindi lamang mga anak niya ang nawala. Kasabay nilang namatay ang natitira niyang pag-asa para sa kanilang pagsasama. Kaya nang mawalan siya ng lahat, nagpasya siyang bawiin ang buhay na minsan niyang isinuko para kay Iñigo. Muli niyang haharapin ang mundong tinalikuran niya, babalikan ang kaniyang natatanging karera sa siyensiya, at patutunayan na hindi siya basta-bastang babae lamang. Ngunit paano kung ang asawang itinuring siyang walang halaga ay siya ring lalaking balang araw ay magmamakaawang bumalik siya? Ngayong handa nang lumaya si Beatrice, saka pa lamang matutuklasan ni Iñigo ang tunay na pagkatao ng babaeng itinaboy niya. Ngunit sa oras na habulin niya ang dating asawa, sapat pa kaya ang kaniyang pagsisisi upang maibalik ang babaeng minsan niyang winasak?
76
The JANITOR’S Secret  - Romance novels & stories
Maldita Nacino
Blurb Tanner- isang janitor na may malalim na tinatago, hindi siya basta-basta na kalaban dahil isang pitik ka lang mabubura ka na sa mundo! Kung sa hitsura nito ay talagang perfect na, nasa kanya na lahat ng mga katangian na hinahanap ng babae. Everlee- isang mayaman at taga pagmana ng lahat ng ari-arian na meron sila, maganda nga ngunit kabaliktaran naman ang ugali. Paano nga ba magkakasundo ang ating mga bida? Tara samahan niyo akong lakbayin ang kanilang kwento na may kilig, iyak, tawa at marami pang iba na ating tutuklasin.
685
The Billionaires Forgotten Love - Romance novels & stories
Vera
Magkababata sina Joseph Hernandez at Klea Natividad. Mula pagkabata, hindi na sila mapaghiwalay—kambal tuko na nga kung tawagin ng lahat. Kahit magkaiba ang kanilang katayuan sa buhay, nanatiling matibay ang kanilang samahan. Si Joseph ay ang nag-iisang anak ni Don Rafael Hernandez sa Santa Rita—gwapo, matipuno, at tagapagmana ng malawak na lupain at yaman. Si Klea naman ay anak ng tapat na katiwala ng pamilya, lumaki sa parehong bakuran at itinuring na ring parang pamilya. Saanman magpunta, magkasama sila—gala dito, gala doon, tawanan at kwentuhan hanggang madaling araw. Kahit babae si Klea, kilala siya sa pagiging matapang at napakalakas uminom ng alak, laging nakakasabay kay Joseph sa bawat tagay. Ngunit sa kanilang huling inuman bago ang pag-alis ni Joseph, naparami ang nainom nilang dalawa. Nawala ang pagpipigil, natunaw ang hangganan ng pagkakaibigan, at sa init ng gabing iyon ay hindi nila napigilan ang damdaming matagal na nilang itinatago. "Fuck me harder, Joseph..." ang tanging nasambit ni Klea nang gabing iyon, habang ibinibigay nila ang sarili sa isa't isa. Kinaumagahan, tila panaginip na lamang ang lahat. Isang biglaang utos mula sa kanyang ama ang nagpabago sa lahat—kailangang umalis agad si Joseph papuntang ibang bansa para mag-aral at pamahalaan ang negosyo doon. Walang sapat na oras para magpaalam nang maayos, walang kasiguraduhan kung kailan siya makakababalik. Maiiwan na lamang ba ang gabing iyon bilang alaala? Magkikita pa kaya silang muli ni Klea? At kung magkita man, may pag-asa pa bang mabuo ang nasimulan, o mananatili itong lihim na lamang ng nakaraan?
582
"Marrying the CEO" - Romance novels & stories
YajNna20
Ang Unang Pag ibig daw ay kailanman ay hindi malilimutan dumaan man ang maraming taon..Pero paano kung sa pagbabalik nang unang pag ibig ni Pam ay hindi pala pagmamahal, kundi paghihiganti sa kasalanang hindi alam ni pam, sa galit ni brix na di alam ni pam kung saan nag ggaling. sa kasalanang hindi niya alan kung ano?.saan hahantong a galit at pag ibig ni Pam sa galit ni brix
320
Mr. President, It's Too Late to Cry After the Divorce - Romance novels & stories
Lyly
He married her for revenge. Now he won't let her go. Three years ago, Gideon Valderama stole his brother's bride. Hindi dahil sa pag-mamahal, kundi dahil gusto niyang manalo. Now, Ava Cortes is trapped in a marriage built on revenge. Her husband is cold. Her heart is bruised. And the divorce papers sitting on his desk come with a three-million-peso price tag she can't afford to pay. Comes, Celestia Cruz, Gideon's ex and the divorce lawyer handling their case. She's beautiful, brilliant, and determined to make sure the marriage ends. Even if she has to destroy Ava in the process. Enters Benedict Gilson, Ava's Lawyer, predatory, cunning, and maneuvering every bit the end of Ava's marriage. And when Giovanni Valderama, the younger brother Gideon betrayed-- returns from exile, everything changes more. Suddenly, Gideon isn't so eager to let Ava go. He watches her. He protects her. He looks at her like she's his. Ava doesn't know who to trust anymore. The husband who won't love her. The ex-fiancé who might destroy her. The attorney disguising his control through protection. Or the woman who wants to take everything she has left. And Gideon might realize crying would be too late.
377
Maid ng Gwapong CEO - Romance novels & stories
Yum
Si Arabella ay isang simpleng dalagang lumaki sa probinsya na may malaking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo. Ngunit dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, tila napakalayo ng pangarap na iyon para sa kanya. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi siya nawalan ng pag-asa na balang araw ay mababago rin niya ang kanilang buhay.Isang araw, inalok siya ng kanyang tiyahin, na nagtatrabaho bilang kasambahay sa Maynila, ng isang oportunidad. Maaari siyang magtrabaho bilang kasambahay kapalit ng libreng pag-aaral at buwanang sahod. Para kay Arabella, ito na ang pagkakataong matagal niyang hinihintay kaya buong tapang niyang tinanggap ang alok.Pagdating niya sa Maynila, nakilala niya si Ethan Morales, ang mayamang binata na magiging amo niya. Sa malaking bahay ni Ethan, silang dalawa lamang ang magkasamang naninirahan. Habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nabuo ang isang espesyal na samahan sa pagitan nila. Hanggang sa hindi namamalayan ni Ethan na nahuhulog na pala ang kanyang puso sa simpleng probinsyanang nagdala ng liwanag at saya sa kanyang buhay.Ngunit magiging sapat kaya ang pag-ibig upang pagtagpuin ang dalawang taong magkaiba ang estado sa buhay? O hahadlang ang mga pagsubok at lihim na naghihintay sa kanilang landas?"Arabella: Ang Kasambahay na Minahal ng Bilyonaryong Amo.
10
745
My Revenge Against Mr. CEO - Romance novels & stories
author Ashxie
Pinatay ng isang billionaire CEO ang buong pamilya ni Weiwei dahil sa utang na hindi nila kayang bayaran. Siya lang ang nailigtas—itinago ng kanyang ina bago pa man sumalakay ang mga armadong lalaki. Makalipas ang isang taon, bumalik si Weiwei bilang isang bagong tao na may iisang misyon: sirain ang anak ng pumatay sa kanyang pamilya, ang bagong tagapagmana ng imperyo. Pumasok siya sa kompanya, ginawa siyang tiwala ng binatang CEO, at unti‑unting winasak ang kanyang negosyo at reputasyon. Pero may hindi siya inaasahan—ang bagong CEO ay hindi halimaw tulad ng kanyang ama. Siya ay mabait, patas, at totoo. Ngayon, kailangan nang pumili ni Weiwei: ituloy ang kanyang paghihiganti o mahulog sa lalaking dapat niyang gibain. Walang bastusan. Walang pang‑aabuso sa bata. Paghihiganti at pusong naguguluhan lang.
620
The CEO's Hidden Heir - Romance novels & stories
JohnCalda
Sa likod ng matagumpay na buhay ni Andre Lorenzo Flores, isang makapangyarihan at respetadong CEO, ay ang mapait na alaala ng pag-ibig na minsang bumuo at sumira sa kanyang mundo. Si Yana Soriano, ang babaeng dati niyang minamahal at nakatakdang pakasalan, ay bigla na lamang naglaho sa kanyang buhay nang walang malinaw na paliwanag, dahilan upang mamuo sa puso ni Andre ang galit at pagkadismaya. Ngunit ang hindi niya alam, may isang lihim na pilit na itinago ni Yana sa loob ng maraming taon—si Matthew Soriano, ang batang maaaring magbago sa lahat ng paniniwala niya tungkol sa nakaraan. Sa muling pagtatagpo ng dalawang pusong minsang pinaghiwalay ng sakit at kasinungalingan, unti-unting mabubunyag ang katotohanang matagal nang nakabaon sa katahimikan. Handa bang tanggapin ni Andre ang anak na hindi niya kailanman nakilalang kanya, at kaya pa bang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang babaeng minsang dumurog sa kanyang puso? Sa mundong puno ng kapangyarihan, pagtataksil, at mga lihim, matutuklasan nilang may mga katotohanang kayang magwasak ng isang pamilya—ngunit mayroon ding pag-ibig na kayang buuin itong muli.
10
127
Begging Her to Love Me Again: A Billionaire's Regret - Romance novels & stories
Serene Hope
Sa loob ng tatlong taon, buong pusong minahal ni Kaelin Daisy Castellon Kensington ang kanyang asawang si Harrison Vincent Kensington. Tinanggap niya ang malamig nitong pagtrato, at ang katotohanang hindi nito kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Habang patuloy siyang nagsasakripisyo para sa kanilang pagsasama, unti-unti namang napapagod ang kanyang puso. Para kay Harrison, si Kaelin ay isa lamang asawa sa papel, isang babaeng laging naroon at hindi aalis kailanman. Ngunit nagkamali siya. Isang araw ay bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Saka lamang napagtanto ni Harrison ang halaga ng babaeng matagal niyang binalewala. Ang tahanang dati'y puno ng pag-aaruga ay naging tahimik. Ang babaeng akala niyang habambuhay na maghihintay ay marunong din palang sumuko. Habang unti-unting bumabangon si Kaelin at binubuo ang buhay na wala si Harrison, nagsisimula namang gumuho ang mundo ng lalaking minsang ipinagkait sa kanya ang pagmamahal. Handang gawin ni Harrison ang lahat upang maibalik ang kanyang asawa. Ngunit ang Kaelin na kanyang muling makikilala ay hindi na ang dating babaeng handang magsakripisyo para sa kanya. Sa pagkakataong ito, si Harrison naman ang hahabol. Siya naman ang magmamakaawa. At siya rin ang susubok na palambutin muli ang pusong siya mismo ang nagpatigas. Ngunit sapat ba ang pagsisisi upang maibalik ang isang pag-ibig na matagal nang napagod? O huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang natutong magmahal? Kapag ang sobrang umibig ay paulit-ulit na nasaktan at napagod, maaari pa ba itong magbigay ng pangalawang pagkakataon? O may mga pusong kapag tuluyang bumitaw, ay hindi na kailanman muling babalik?
10
526
Tanikalang Langit (SPG) - Romance novels & stories
Diane Ruiz
Dalawang kulay pulang guhit ang tumambad sa pregnancy test ni Trisha. Ngunit sa halip na saya, matinding takot ang bumalot sa kanya—dahil hindi ang bago niyang asawa ang ama ng batang nasa sinapupunan niya, kundi ang stepbrother nito! Akala ni Trisha ay nahanap na niya ang wagas na pag-ibig kay Alex. Nagtanan sila at nagsumpaan ng wagas na pag-ibig. Ngunit sa mismong ikalimang anibersaryo ng kanilang kasal, nadiskubre niyang tatlong taon na pala siyang niloloko nito. Dala ng labis na sakit at nasirang tiwala, walang pag-aalinlangang pinirmahan niya ang divorce papers na inilatag nito at lumayo. Upang makabangon at maipaghanti ang nawasak na puso, tinanggap niya ang kagustuhan ng kanyang mga magulang—ang ipakasal siya sa isang makapangyarihang business tycoon na si Tristan Hernandez. Isang linggo pagkatapos ng kanilang kasal, dalawang malaking bomba ang sumabog sa buhay ni Trisha: Buntis siya sa kanyang ex-husband, at ang bago niyang asawa ay stepbrother ng lalaking sumira sa kanya! Sa gitna ng galit, paghihiganti, at sikretong pwedeng sumira sa lahat… matatakpan ba ng panibagong kasalanan ang lumang pagtataksil? O ang sanggol sa kanyang tiyan ang magiging daan sa mas matinding pagkawasak?
6
555
Make Her Mine Again - Romance novels & stories
PROSERFINA
Pagkatapos ng tatlong taon na ugnayan ni Andy at Mikael sa kama ay tinapos ni Andy ang lahat. Kahit ang totoo ay mahal na niya si Mikael ay mas pinili niyang palayain ang kanyang sarili sa isang relasyon na alam niyang siya lang din ang masisira sa huli. Lalo na't ikakasal na ito sa ibang babae at ayaw niyang maging kabit nito kaya nagpasya na din siyang tuluyan nang lumayo sa buhay nito at magresign bilang maid sa pamilya Delgado. Sa tinakdang araw ng kasal ni Mikael kay Shaina ay yun din ang araw na umalis siya sa mansyon ng mga Delgado. At hindi pa natatapos ang reception ay umuwi na sa bahay si Mikael upang makita si Andy dahil alam niyang may sakit ito at gusto niya ding linawin ang lahat. Ngunit huli na dahil walang andy siyang nadatnan. Ngunit paano kung makalipas ang limang taon ay pagtagpuin ulit sila ng tadhana? Mahulog kaya ulit ang loob ni Andy kay Mikael lalo pa't mas naging pursigido itong makuha siyang muli? Paano pa kung malaman ni Mikael na ang batang iniligtas niya sa aksidente ay ang kanya palang nag-iisang anak kay Andy? Pakawalan pa kaya niya ang babaeng ayaw nang bumalik sa kanya?
735
The CEO REGRETTED LOSING ME - Romance novels & stories
Mr. Heat
Hindi kailanman inakala ni Elena Monteverde na maiinlove siya sa isang lalaking hindi kayang suklian ang kanyang pagmamahal. Si Damien Alcantara, isang malamig at makapangyarihang CEO, ay pinakasalan siya dahil sa isang kasunduan, hindi dahil sa pag-ibig. Kahit alam ni Elena na walang pagmamahalan sa kanilang pagsasama, umaasa pa rin siyang balang-araw ay mamahalin din siya ng kanyang asawa. Sa loob ng tatlong buwan, tiniis niya ang malamig na pakikitungo ni Damien. Pinanghawakan niya ang pag-asang darating ang araw na makikita rin siya nito bilang babaeng tunay nitong mamahalin. Hanggang sa isang araw, natuklasan niyang buntis siya. Masayang-masaya si Elena dahil akala niya, ang kanilang magiging anak ang tulay upang mapalapit sila sa isa't isa. Ngunit bago pa niya maibahagi ang magandang balita, bumalik si Vanessa Villareal, ang unang pag-ibig ni Damien. Mula noon, lalo pang naging malamig ang kanyang asawa. Sa halip na piliin ang sariling pamilya, pinili ni Damien ang babaeng minsan nang nagmamay-ari ng kanyang puso. Mas masakit pa, hiningi nito ang diborsyo nang hindi iniisip ang batang dinadala ni Elena. Durog ang puso niyang umalis, dala ang lihim na magbabago sa kanilang mga buhay. Nangako siyang palalakihin ang kanyang anak nang mag-isa at hindi na muling magmamakaawa para sa pagmamahal ng isang lalaking hindi siya pinili. Lumipas ang mga taon at bumalik si Elena bilang isang matagumpay na babae, kasama ang isang batang kamukhang-kamukha ni Damien. Nang malaman ng CEO ang katotohanan, nagsimula ang kanyang pinakamalaking pagsisisi. Gusto niyang mabawi ang kanyang asawa at maging ama sa anak na hindi niya nakasama. Ngunit paano kung ang babaeng dati niyang binale-wala ay hindi na handang magpatawad? Magagawa pa kaya ni Damien na mabawi ang pamilyang minsan niyang sinira, o habang-buhay niyang pagsisisihan ang pag-ibig na kusa niyang binitawan?
83
PREV
12345

You May Also Like

New Arrivals

Too Late, She's My Wife Now
Too Late, She's My Wife Now
Romance · Hiraya_23
8.2K views
Wrong Chase
Wrong Chase
Romance · Shinzanzou
450 views
TOO LATE TO LOVE ME
TOO LATE TO LOVE ME
Romance · Kaile Guevarra
94 views
The CEO's Nerdy Secretary
The CEO's Nerdy Secretary
Romance · BelleNocturne
381 views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status