Hiraya_23
"Kabit!"
Tatlong taong naghintay si Armea para sa pinapangarap na kasal nila ng kaniyang nobyo, pero sa halip na singsing, isang malutong na sampal at pampublikong kahihiyan ang natanggap niya sa harap ng maraming tao.
Pinagbintangan siyang isang 'desperadang gold-digger' at 'shameless homewrecker', habang duwag siyang inabandona ng lalaking mahal niya para protektahan ang yaman ng tunay nitong asawa.
Durog, nandidiri, at puno ng hiya, ibinigay ni Armea ang sarili sa isang estranghero sa bar para makalimot sa pamamagitan ng isang naglalagablab at mapusok na gabi. Ngunit kinabukasan, isang malaking bangungot ang sasalubong sa kaniya—ang lalaking nakasiping niya ay walang iba kundi si Reiner Romanov, ang kinatatakutang multi-billionaire CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.
Upang iligtas siya sa paninira ng media at tulungan siyang makapaghiganti, inalok siya ni Reiner ng isang Contractual Marriage. Ibibigay nito ang kapangyarihan at proteksyong kailangan niya ng walang hininging kapalit.
Pero paano kung ang lalaking itinuturing niyang tagapagligtas ay matagal na pa lang nagpapantasya sa kaniya mula sa malayo? At paano kung ang kinatatakutang CEO na ito ang mismong nag-orchestrate ng pagkasira niya, para lang ma-corner siya sa isang kontrata?
8.4K