Ang Pantasya Kong Bilyonaryo
Si Marikit “Kiket” Tolentino ay isang simpleng dalaga mula sa probinsya na may dalawang pangarap: ang mailigtas ang kanilang bukid at ang mapansin ng kanyang "ultimate crush" na si Jaxon Knight Silverio. Sa paningin ni Kiket, si Jaxon ay parang isang fictional character na lumabas sa libro—matangkad, gwapo, at ubod ng yaman.
Ang problema? Ni hindi alam ni Jaxon na nag-e-exist siya sa mundo.
Pero dahil sa isang nakakalokong pagkakamali sa isang luxury hotel, magtatagpo ang landas nila sa hindi inaasahang pagkakataon. Si Kiket na laking-probinsya at diretsahang magsalita, at si Jaxon na purong negosyo lang ang alam at halos walang emosyon. Mapipilitan silang magpanggap na "engaged" para iligtas ang reputasyon ng kumpanya ni Jaxon.
Will Kiket finally live her billionaire fantasy? O baka naman ang akala niyang "Prince Charming" ay isa palang masungit na boss na gigisahin siya sa bawat pagkakataon?