A NIGHT OF POSSESSION
Inalalayan niya akong bumaba at naglakad kami papasok.
Sa loob, tila ba hindi café iyon kundi parang sala na nagkataong naghahain ng kape. Malamlam ang ilaw, ang mga kagamitan ay gawa sa solidong kahoy, magmula sa mga upuan at mesa, masarap sa tainga ang malamyos na tugtog na nanggagaling sa bilog na plakang umiikot. Isang babaeng nakaitim na apron ang bumati kay Caelus sa pangalan at iginiya kami patungo sa sulok sa tabi ng bintana, kung saan nakayuko ang isang orchid sa ibabaw ng marmol na mesa. Walang tao sa café kundi kami lang. Akala ko na reservation na sinabi ni Caelus ay reservation ng spot, hindi ko akalain na buong coffee shop ang ni-reserve niya.