Diary Ng XXX Celebrity
Kahit buntis at pagurin ako, kinaya kong maglalakad, siguro ay dahil sa sobrang tuwa ko.
Maya maya, nakapasok ako bigla sa isang room. Kung hindi ako nagkakamali, parang ito ‘yung room na napili ni Haide. Tinawag ko siya pero mukhang nadoon siya sa presidential suite kung saan nag-iinuman ang ilan sa mga boys. Paalis na dapat ako, pero bigla kong nakita sa may kama niya ang diary ni Ravi. Ang diary ng XXX Celebrity. Hindi ko alam kung paano, pero tila kinuha niya ito sa room ko at kasalukuyang binabasa.