Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
1016.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 521 Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
1074.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.2K Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Mga Anak ng Bilyonaryo

Mga Anak ng Bilyonaryo

Isang taon na lang ay graduate na sa kolehiyo si Lorelei Carpio ngunit ayaw ng sustentuhan ng kanyang Tita Agnes ang kanyang pag-aaral simula noong magkaroon ang Tita niya ng live-in partner. Ito ang nagpalaki sa kanya simula noong mamatay ang mama niya ngunit ngayon ay pinapaalis na siya nito sa pamamahay nito. Sa kagustuhang makapagtapos ay pumayag siyang sumali sa isang Sorority na nangakong tutustusan ang pag-aaral niya. Ngunit hindi niya alam na ang pagtanggap sa kanya ay may kapalit na mainit na gabi mula sa leader ng kasapi nilang Fraternity. At mas hindi siya handa matapos magbunga ng kambal ang pangyayaring iyon. Kambal mula sa lalaking hindi niya kilala at ni minsan ay hindi nasilip. Paano niya sasabihin ngayon sa bagong amo niyang si Hector Montanier na isa siyang single mother gayong ang gusto nito ay dalagang sekretarya? "I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque.
10423.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 14.0K Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Hiram na Asawa

Hiram na Asawa

Patong-patong ang mga problema ni Maria Averie Salvador. Bukod sa kailangan niya ng malaking halaga para sa chemotherapy ng kanyang Tatay, hinahabol din siya ng kanyang mga pinagkaka-utangan. Ubos na ang listahan ng mga taong pwede niya pang utangan at kahit pagtitinda niya ng isda sa palengke ay hindi maisasalba ang buhay ng kanyang ama. Ang masaklap, sa isang kisap mata ay tinangay siya ng mga armadong lalaki.Ngunit hindi niya alam na iyon ang babago sa kanyang buhay lalo na't nagimbal siyang makita ang babaeng kamukhang-kamukha niya. Isang Francheska Morales ang kumidnap sa kanya at nais nitong magpanggap siya bilang ito at gampanan ang pagiging asawa sa isang kilalang mabagsik na negosyante ng kanilang bayan. Kailangan nitong lumayo upang mabuntis at maibigay ang tagapagmana ng nag-iisang Sebastian Loki Inferno.Pikit-mata niyang tinanggap ang misyon kapalit ng malaking halaga. Ngunit binalot siya ng kaba matapos makaharap ang lalaking kinakatakutan ng buong bayan nila. Kaya niya bang maging pekeng asawa ng isang Sebastian Loki Inferno?"If you cannot give me a child, you better be dead," — malamig na bungad nito sa kanya.
9.8824.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 21.4K Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Midnight Lover

Midnight Lover

Puot at sakit sa puso ang dinamdam ni Crystal Fuentes matapos magpakasal sa kanyang kapatid ang long-time crush niyang si Royce Consunji. Sa mismong gabi ng kasal, laking gulat niya na dinalaw siya nito sa kanyang silid at isang pagkakamali ang kanyang nagawa matapos ibigay ang sarili dito. Ngunit hindi lang iyon isang beses na nangyari, nasanay siyang dinadalaw siya nito tuwing hating gabi, at kahit alam niyang mali, tinanggap niya sa sariling kabit siya nito. Iyon nga lang, nasasaktan siya kapag umaakto itong parang walang nangyayari sa kanila sa tuwing kaharap ito sa umaga. Hanggang sa nalaman niyang buntis siya ngunit sakto ring buntis ang ate niya. Makasarili man, siya mismo ang nagsiwalat ng relasyon niya sa asawa nito. Ngunit dumoble lang ang sakit na nararamdaman niya matapos nitong itanggi ang lahat maging ang pinagbubuntis niya, gulat na gulat pa ito at sinabing ni minsan ay hindi siya dinalaw sa kanyang silid. Sa galit ng kanyang mga magulang ay ipinatapon siya sa ibang bansa upang pagtakpan ang kahihiyan ng kanilang pamilya. Sa kanyang pagbabalik, nagulat siya noong muli siya nitong bisitahin sa kanyang silid sa kalagitnaan ng gabi. Galit na galit ito. "How dare you leave me and hide my daughter, Crystal?"
1085.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.2K Beses bilang beautiful smile quotes
Ipakita ang mga Review (12)
Read
+Library
M.A. R. Chan
Maganda ang kwento, di mo agad mahuhuli ang takbo ng isip ni author if paano magpaikot ng character. The last chapter update makes me feel sad and even cried for Crystal's character. Feeling ko pag nalaman nya yung betrayal sa kanya ay babalik ung dating Crystal na independent at matapang.I wished.
Yenoh Smile
(May 18, 2023) Sorry po sa slow update, na-busy lang po sa trabaho. Bawi na lang po ako kapag hindi na hectic schedule ko sa work. Don't worry my ending po ito. Unahin ko lang tapusin ang "Entangled with Mr. Ruthless" Thank you po sa pagbabasa at paghihintay! Ingat!
Basahin ang Lahat ng Review
Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!

Contract Ends, Mr. Billionaire Regrets!

Ang tatlong taong kontrata nila ay tapos na, at doon pa nalaman ni Evelyn ang totoo: Hindi siya kailanman minahal ni Dominic. Ang mga mata ni Dominic ay para sa ibang babae. Napahiya at basag ang puso, napagdesisyon ni Evelyn na tapusin na ang kasal nila at bumalik sa dating buhay niya, magbalik sa pinaka-tuktok ng kanyang karera. Ngunit sinusubok muli si Dominic ng karisma ni Evelyn nang paulit-ulit, dahan-dahan na para bang gamo-gamo sa apoy. Noong iwan siya nito, doon niya lang napagtanto ang totoo. Nakalimutan niya pala ito hindi lang isang beses, kun'di dalawa... Nadurog siya ng pagsisisi, at ang daan upang kuhanin ito pabalik ay mahaba at mahirap. Kaya lang, tiningnan siya nito at sinabing, "Mr. Ex, ayoko ng maging asawa mo kailanman."
108.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 270 Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
1022.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 442 Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Ang Lihim ni Angelita

Ang Lihim ni Angelita

Mariposa, iyan ang tawag sa kanya. Walang pamilya, walang kaibigan. Isang babaeng mababa ang lipad. Sinisikmura ang lahat para sa pangarap. Gustong gusto na niyang makawala sa kadena. Ngunit lahat ng pangarap niya ay nag-iba noong maging kliyente niya ang isang Gustavo Aarav Bryson Salvador Duckworth, ang lalaking pinagtaksilan ng sariling nobya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinangay ang plano niya noong makita ang malaking bulto nito sa dilim. Isang hawak lang nito sa kanya ay tiyak na mapipisa siya. "Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito. Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya. "Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba. "Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa bewang niya at walang sabing siniil siya nito ng halik. Ni hindi niya lubos isipin na ang isang gabing iyon ay pagkakalooban siya ng tatlong anghel. Mga anghel na walang ideya kung sino siya.
1048.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 977 Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
Entangled with Mr. Ruthless

Entangled with Mr. Ruthless

Matapos makipaghiwalay sa kanya ng long-time boyfriend niya, nasangkot sa aksidente si Dr. Sylvaine Hope dahilan upang mabawasan ang chance niyang magbuntis. Tanggap na niya ang katotohanang tatanda siyang mag-isa. Hanggang isang araw, pumasok sa kanyang klinika ang isang lalaking may maitim na aura at mas galit pa yata sa mundo. Tinutukan siya nito ng baril sa ulo at hiniling na ipagbuntis niya ang tagapagmana nito. Alam niyang ang kahilingan nito ay isang bagay na hindi niya kayang ibigay. Ngunit paano siya makaliligtas sa isang lalaking kaya siyang barilin sa isang kisap-mata? Ngunit mapaglaro ang tadhana, sa takot na patayin siya nito, natagpuan niya ang sariling tumatakbo palayo rito bitbit ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa kanyang pagbabalik, kakayanin ba niyang labanan ang isang lalaking tulad ni Gray Hugo Whitlock, o magpapatangay siya sa kabila ng kasamaan nito?
1042.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.2K Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
HELP ME: West Severino

HELP ME: West Severino

Malinaw na nakikita ni Rosie Frey Israel ang magiging kinabukasan niya sa kanyang boyfriend na si Rico. Tanging alok na kasal na lamang ang hinihintay niya mula rito. Ngunit hindi niya inasahang sa pagpunta niya sa night club ay malalaman niyang pinagtataksilan pala siya nito. Sa gabing iyon, hinayaan niya ang sariling uminom at kalimutan ang pagiging guro ngunit mas hindi niya inasahan na sa muling paggising niya sa umaga ay ibang lalaki na ang nasa tabi niya. Hindi niya napaghandaan na isang West Severino pala ang magpapabago sa takbo ng kanyang buhay. Kakayanin niya kayang tumaliwas sa tukso o mas pipiliin niyang sumabay sa agos at magpalunod?
1021.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 673 Beses bilang beautiful smile quotes
Read
+Library
PREV
123456
...
37
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status