My Crazy Life as the CEO's Wife
Nasa balkonahe kami kung saan naglalaro silang dalawa ng billiards.
“So you’re only doing this because of your relationship with them. Alam mo naman na hindi ako ganon pagdating sa business, bro. Kahit pamilya ko pa ‘yan, kung alam kong hopeless at lalo pa may dungis na ang reputasyon nila, I won’t gamble for them,” paliwanag ni Toby sabay tira doon sa puting bola. Isa sargo lang ay tatlong bola kaagad ang naipasok niya.
“Tsk tsk!” Napailing si Mister Yanai, “Bro, don’t tell me pinaimbestiga mo kaibigan ko?” hindi makapaniwala niyang tanong.