The Billionaire's Sassy Maid
"Dito ka muna sa tabi ni Nicholas Sparks, ha? Alam kong medyo magkaiba kayo ng era, eh, pero pareho naman kayong mahilig pumatay ng bida sa dulo ng kuwento, kaya magdamayan na lang kayo riyan."
Inilipat ko naman ang tingin ko sa isa pang shelf. "Kayong mga encyclopedia, huwag kayong magulo riyan. Alphabetical kayo, kaya kung ikaw ay letter 'B' para sa Botany, huwag kang tatabi kay 'A' para sa Anatomy. Magkaiba kayo ng departamento."
Napakunot ang noo ko nang makita ang isang maliit na libro na medyo tabingi ang pagkakalagay. Inayos ko ito nang mabuti.