ANG PIYAYA NI PIPAY
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan.
Ilang minuto lang, dumating siya dala ang isang tasa ng kape. Inilapag niya ito sa harapan ko at nagbigay pa ng mocking bow. "Your coffee, Sir Ethan. Made with love... and a dash of revenge."
Napataas ang kilay ko. "Revenge? Anong ibig mong sabihin?"
"Ah, wala po! Baka po bitterness lang ng beans ‘yan," sabi niya habang umiikot sa tabi ko na parang kontrabida sa telenovela.