Tres Marias: Ada
aryatemiz
Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay.
Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?