ANG PIYAYA NI PIPAY
tanong ko, sabay lingon kina Lucas at Rafael na mukhang nagulat din sa biglaang lecture.
"Ang sabi po sa batas," patuloy ng kasambahay, "obligations arising from contracts have the force of law between the parties and must be complied with in good faith. Kung may pruweba kayo na may utang siya sa inyo, tulad ng resibo, kasulatan, o kahit text message, maaari po kayong maghain ng reklamo para maibalik ang perang inutang."
Napanganga ako. "Grabe, ate. Parang abogado ka!"