Secretary of Mr. Caleb
Nakasandal ito sa pader, nakasuot ng mamahaling designer dress, at may hawak na glass ng champagne.
Si Khyla.
Ang kilalang heiress at matagal nang karibal ng pamilya Salvador sa mundo ng mga real estate at international investments. Isang babaeng may pambihirang yaman, impluwensya, at matinding galit din sa imperyo ni Caleb Salvador matapos silang tinalo nito sa pinakamalaking bidding sa buong Asya.