Ang bodyguard kong bading (TAGLISH)
"Vee bumangon ka muna! Ipapakilala ko sayo iyong bago mong bodyguard." Kahit inaantok pa ay bumangon ako at bagot na tinignan si Daddy.
"What? Bodyguard na naman! Ayoko na nga ng ganyan eh! Nakakasawa na--" napahinto ako sa pagsasalita ng may lalaking pumasok sa kwarto ko.
"Sino siya?"
"Vee meet your new bodyguard, James Villianuevva."
"Ito? New bodyguard ko? Seryoso ka dad?"
"Yes, and I am sure magugustuhan mo siya. Magkakasundo kayo sa mga bagay-bagay, lalo na kung mag sho-shopping ka at pagdating sa mga makeup--"
"Babae lang ang mahilig mag shopping at mag makeup dad." Saad ko at napatampal sa noo ko.
"I'm gay." Muntik ng malaglag iyong panga ko sa sinabi niya.