Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Between The Words

Love Between The Words

Si Thalia Hernandez ay isinilang sa mundo na kailanman ay hindi nasilayan ang liwanag, sa kabila ng kanyang kapansanan ay nanatili pa rin siyang matatag. Hindi naging hadlang ang kapansanan ng dalaga bagkus naging inspirasyon pa niya ito upang maipakita ang natatangi niyang talento. Isa sa talento niya ay lumikha ng tula kaya normal na sa dalaga ang pagiging makata. Siya ang isang malaking sikreto ng pamilyang Hernandez. Dahil isang pulitiko ang kanyang ama ay itinago siya sa lahat upang maprotektahan. Kaya inakala ng lahat na nag-iisa lang ang anak ni Cong. Hernandez, at iyon ay si Ashley Hernandez. Sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay ang kanilang mga magulang mula sa isang car accident ngunit hindi lingid sa kaalaman ng magkapatid na bago mamatay ang mga magulang ay nakipagkasundo ito sa pamilyang Welsh sa isang marriage agreement. Isang lalaki na tinatamasa ang lahat ng karangyaan ngunit ang ugali ay kakaiba sa lahat, inilalayo ang sarili para sa lahat upang makaiwas sa mga taong mapanlinlang higit sa lahat ay sa mga babaeng tanging yaman lang ang habol sa kanya. Siya si Alistair Welsh ang nag-iisang tagapagmana sa kanilang pamilya at kasalukuyang CEO ng isang dambuhalang kumpanya sa bansa. Natakot si Ashley ng malaman niya na ikakasal siya sa isang binatang baldado na may masamang ugali kaya nagawa niyang lokohin ang sariling kapatid. Sapilitang naikasal si Thalia kay Alistair ngunit labis siyang nasaktan ng matuklasan na siya ay panakip-butas lamang upang mapag takpan ang relasyon ng magpinsan. Paano kung malaman ni Thalia na ang lalaking ikinasal sa kanya at ang Nobyo na nang-iwan sa kan’ya noong kasalukuyang siya ay bulag ay iisa pala? Mangibabaw pa rin kaya ang pag-ibig sa puso ni Thalia o patuloy itong kamumuhian dahil wala na itong ginawa kundi ang saktan siya sa simula pa lang?
Romance
105.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Billionaire's Accidental Baby (Tagalog)

Hindi pa handa si Amelia na bumuo ng pamilya. Kaya nang pilitin siyang ipakasal sa matandang kaibigan ng kanyang ama bilang pambayad ng utang, wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakas. Ngunit sa kanyang pagtakas, aksidente niyang naka-one-night stand ang bilyonaryong si Liam—isang lalaking matagal nang naghahanap ng perpektong asawa upang bumuo ng sariling pamilya. Paano kung ang isang gabing iyon ay nagbunga—at kambal pa? Ang sanang pagtakas ay nauwi sa isang malaking responsibilidad. Haharapin niya ba ang responsibilidad na bumuo ng sariling pamilya, o tatakas ulit?
Romance
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mr. CEO Daughter

The Mr. CEO Daughter

Handang gawin ni Camille ang lahat para sa kaniyang anak, at kahit mahirap ang maging single mom ay kinakaya niya para sa nag-iisa niyang anak. Masaya at kuntento na siya sa buhay niya kasama ang kaniyang anak at kaniyang ina. Ngunit hindi inaasahan ni Camille na magku-krus ang landas nila ng ex-boyfriend niyang si Damon Monteverde, na sa loob ng ilang taon ay isa nang ganap na business man at bilyonaryong CEO na nagmamay-ari ng tanyag na kumpanya, ang Sapphire J-well. Wala na sanang balak si Camille na sabihin kay Damon ang tungkol sa kanilang anak, ngunit mismong ang tadhana ang gumawa ng paraan para malaman iyon ni Damon at wala siyang magawa kundi ang ipagtapat dito ang totoo. Hahayaan niyang pasukin ni Damon ang buhay ng anak nila, ngunit itinatak na ni Camille sa puso at isip niya na tanging ang anak lang nilang si Joana ang ugnayan nila ni Damon. Pinipigilan niya ang sariling mahulog muli sa lalaki, kahit alam niyang hindi naman talaga namatay ang pag-ibig niya para rito kahit halos anim na taun na ang lumipas. Ngunit paano niya makakayang pigilan ang nararamdaman para sa lalaki kung madalas niya itong makita dahil sa kanilang anak?
Romance
8.524.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire Mafia King's Obsession

The Billionaire Mafia King's Obsession

"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko habang patuloy niyang pinapalakad ang kamay niya papasok sa natitira kong saplot. ***** Si Adrious Caesar Tuazon ay kinikilala as the most dangerous Mafia King. He was ruthless, cold, attractive, dangerous, poker-faced expression, dark, and dead gorgeous. Namimili lang siya ng kanyang pinagkakatiwalaan. Si Apple Gale Fernandez ay hangad na maging flight attendant after she graduated from college. She was charming, may pagkamasungit sa mga hindi niya kilala, labanera sa mga taong lumalaban sa kanya at higit sa lahat she is loveable. Hindi maayos ang pakikitungo ng ina ni Apple sa kanya. Hindi niya inaasahan na ibibenta siya ng kanyang sariling ina sa isang Mafia King na bilyornayo sa halagang limang bilyong piso. Hindi alam ni Apple na nakatakda para sa kanya ang isang korona para magkaroon ng title na Mafia Queen. Adrious is obsessed with Apple. In her body, eyes, face, everything! He was drowned by her presence kaya gumawa ng paraan si Adrious upang makuha ang babaeng pinapangarap niyang maging reyna.
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Tale of Nayagi

The Tale of Nayagi

TheChaserMe
Ang gusto lang ni Devon ay malaman kung bakit nagpakamatay ang kapatid niyang si Deanna. Ngunit hindi niya inasahan ang pagtuklas sa mga Nayagi, ang mga alagad ng demonyo na nagtutulak sa mga tao upang gumawa ng kasalanan. Isa na roon si Damon, ang Nayagi na may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang kapatid...at ang lalakeng magpapainit ng malamig niyang puso.
Paranormal
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Stay-In Tutor

The Stay-In Tutor

A romance story that revolves around a woman who enters a challenging job. Sa kabila ng malagim niyang nakaraan, sinubukan mabuhay ng normal ni Safirah kahit mag-isa na lamang siya sa buhay. Pinilit niyang huwag tumanggap ng kahit anumang tulong mula sa ama na matagal na niyang kinamumuhian. Kahit alam ni Safirah na mayaman ang kanyang ama ay pinili niyang humanap ng sariling ikakabuhay hanggang sa pumasok siya sa buhay ni Terence na siyang magiging amo niya. Makakayanan niya kayang pigilin ang sarili na hindi umibig sa kanyang amo o paninindigan niya ang pagiging man-hater dahil sa naranasan mismo ng kanyang sariling ina sa ama niya noon?
Romance
108.1K viewsOngoing
Read
Add to library
From Cradle to Heart: The Billionaire’s  Hired Nanny

From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny

Sa gitna ng kalungkutan at pagsubok, isang sanggol ang nagbigay ng liwanag sa madilim na buhay ni Reinella. Matapos mawala ang kanyang sariling anak, sinisi siya ng kanyang biyenan at tila pinabayaan na rin ng kanyang asawa. Ngunit ang pagtanggap niya sa isang sanggol na iniwan ng kanyang ina ang nagbukas ng pinto sa isang bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi niya inasahan na ang sanggol na ito ang mag-uugnay sa kanya kay Reed Montgomery, ang misteryosong presidente-direktor na ama ng bata. Sa pag-aalaga niya sa sanggol, natagpuan ni Reinella hindi lamang ang kanyang sariling lakas kundi pati na rin ang init ng isang posibleng pag-ibig. Ngunit puno ng lihim at hadlang ang kanilang daan. Magiging simula kaya ito ng isang masayang wakas, o isa na namang pagsubok para kay Reinella?
9.886.9K viewsCompleted
Read
Add to library
[Tagalog] In Her Shoes

[Tagalog] In Her Shoes

Alex Dane Lee
Si Lara ay isang babae na may malungkot na nakaraan at buhay. Wala siyang sariling pamilya, wala siyang sariling ipon, at nagsusumikap siya sa araw-araw para lang mabuhay. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang janitress sa isang sikat at prestihiyosong kumpanya sa bansa, ang Etoile Cosmetics. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay ang gumising ng maaga sa umaga, pumasok sa trabaho, umuwi sa tinitirhang apartment, at magpalipas ng malungkot na gabi nang mag-isa. Nais niyang maging katulad ni Amanda Montserrat, isang maganda, mayaman at isang makapangyarihang babae na nagmamay-ari ng kumpanya na Etoile Cosmetics. At mukhang nagkatotoo ang kanyang kahilingan. Nang dahil sa isang malaking aksidente ay nabubuhay siya ngayon bilang si Amanda Montserrat at kailangan niyang mamuhay sa mundo nito hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling katawan! Pero paano niya gagawin iyon?
Romance
101.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Famous Billionaire and His Secret Child

The Famous Billionaire and His Secret Child

Si Mariya Luiesa Inocencio ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Mag-isang itinaguyod ng ina at kapwa sandigan ang bawat isa. Kaya nang magkaroon ng malubhang karamdaman ang ina ay handa niyang gawin ang lahat upang maipagamot lamang ito. Kapalit ng sariling dignidad, pikit-matang isinalang ni Mariya ang sarili sa isang subasta. Ang matipunong binata na nakabili sa kaniya ay walang iba kundi si Montgomery Brylly Montañez III—isang tanyag at multibilyunaryong negosyante na nangangailangan ng anak upang makuha ang atensyon ng sariling ama na ninanais nitong lubos. Magawa kaya nilang punan ang pangangailangan ng isa’t isa? O ang mga paraan nilang iyon ang maghahatid sa kanila tungo sa mas komplikadong sitwasyon?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)

UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)

renzbel23
Isang prinsipe ang pinalaki na pinagkaitan ng maraming karapatan, itinago sa mata ng karamihan at itinakwil ng sariling mga magulang. Sa kaniyang pagtungtong sa ikalabing walong taon sya'y pinalayas sa palasyong kanyang naging kulungan dahil sa isang pangyayaring hindi nya sinasadya.
Fantasy
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
910111213
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status