I'm Carrying His Child
Si Diandra ay anak sa labas ng isa sa pinakamayaman at kilalang tao sa bansa. Sa kabila no'n, hindi siya namuhay ng mahirap— hanggang sa isang araw ay tumigil sa pagsusustento ang kaniyang ama sa hindi malamang dahilan. Kung kailan pa mas kailangan niya nang tulong dahil inatake sa puso ang kaniyang ina at kinakailangan niya ng higit isang milyon para maoperahan ito. Kaya nagdesisyon siyang puntahan ang ama para humingi ng tulong dito ngunit ipinagtabuyan lamang siya ng asawa nito at ng kaniyang kapatid.
Hanggang sa in-offer-an siya ng kaniyang tiya na magtrabaho sa isang high-end club.
Kung pagbabasehan ang panlabas na hitsura ni Diandra, aakalain mong isa siyang modelo. Makinis at maputi ang kutis, maganda ang hubog ng katawan, at tila dyosa sa inosente at maamong mukha.
Tinanggap ni Diandra ang trabaho kapalit ng katawan at dignidad niya para sa kaniyang ina. Ngunit sa hindi inaasahan, ang lalaking nakakuha sa kaniya ay ang may-ari ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuan. Si Hades Hudson, ang bilyonaryong kilala bilang malupit at walang-awang CEO pagdating sa business industry.
Ano na ang gagawin ni Diandra ngayong nagbunga ang isang gabi nilang pagsasama?