Accidentally Yours, Mr. Billionaire!
Isa rin siyang lalaking marunong magmahal, pero sa paraan niyang nakakakulong.
“Romulus,” mahina kong tawag sa pangalan niya. Napatingin siya sa akin, halatang may bakas pa rin ng galit at pangungulila sa mga mata niya.
“I love you,” tuloy ko, marahan pero totoo. “Mahal kita, pero hindi ko alam kung sapat ‘yon para piliin kita sa gitna ng lahat ng ito. May mga bagay akong kailangan kong harapin, may mga pangarap akong pinaghirapan bago pa man kita nakilala. Hindi ko pwedeng bitawan lahat dahil lang sa takot mong mawala ako.”
ตอนยอดนิยม