The Supreme Nature
Matapos makapaghubad ay lumusong agad siya sa tubig na hanggang bewang niya ang lalim, nang nasa tatlong metro na ang layo niya mula sa gilid ay lagpas na sa kanya ang lalim ng tubig kaya naisipan nya nang sumisid.
Hindi nya alam kung kaya nya bang manatili sa ilalim ng tubig ng matagal. Pero sinubukan nyang lumangoy at tumungo sa gitna ng lake. Surprisingly, nakatagal naman siya nang hindi kinakapos ng hangin. Kahit hindi sya humihinga ay wala syang nararamdamang discomfort. Siguro, isa ito sa mga special abilities ng isang Cultivator, to be able hold their breath underwater for a long time.
ตอนยอดนิยม