LEE BROTHERS #1: THE PERFECT HUSBAND
“Puwede mo naman sabihin kung may dumi ako sa mukha o kung naguguwapuhan ka na naman sa ‘kin.”
Narinig ko ang mahina niyang pagbungisngis. “Nakakahanga ka kasi.” ‘Tsaka niya pa lang inalis ang tingin niya sa ‘kin, nilipat niya sa daang tinatahak namin while I continue listening to her. “Hindi ko alam na magagawa mong patahimikin si mommy at daddy, pati si Ate Chloe sa mga salita mo. Ako kasi, hindi ko ‘yon kayang gawin. Natatakot ako sa kanila. Pero ikaw, ang tapang mo. Wala pang kahit sino ang nagtanggol sa ‘kin nang gano’n. Ikaw pa lang. At ang sarap pala sa pakiramdam.” She turned to face me again kaya binalingan ko rin siya. Nakangiti siya sa ‘kin. “Feeling ko, wala nang mang-aapi sa ‘ki
인기 회차