Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG VERSION)

BE WITH YOU (TAGALOG) Lumaki si Adeline Pendleton sa isang mayamang pamilya. Nasa kanya ang lahat ng gusto ng isang tao sa buhay. Kayamanan, katanyagan, kagandahan, pera, mga damit na taga-disenyo, at mga masasarap na pagkain. Lahat, maliban sa lalaking mahal niya- si Drake Wright. Si Drake Wright ay ang tagapagmana ng Wright's Corporation. Sa kanyang murang edad, bumuo ang kanyang mga magulang ng isang imperyo na mamanahin niya balang araw. Okay ang lahat para sa kanya, hanggang sa nasangkot ang kanyang ama sa isang seryosong sitwasyon na nakaapekto sa kanilang kumpanya. Sinabihan siya ng kanyang mga magulang na malulugi ang kanilang kumpanya at ang tanging makakalutas sa kanilang problema ay dapat niyang pakasalan ang anak ng kanilang kaibigan- si Adeline Pendleton. Hindi niya gusto ang babae dahil ito ay masyadong walang muwang para sa kanya; naiinis siya sa presensya nito, at may mahal na siyang iba. Sa kasamaang palad, may malubhang karamdaman din ang kanyang ama at wala siyang magawa sa kanilang kumpanya kaya't humingi ito sa kanya ng pabor na ayusin ang problema para sa kanya. "Marry her, son. That's the only way. If you won't, maglalaho lahat ng sinakripisyo at ginawa namin ng ina mo para sa kumpanya natin." Sabi ng ama ni Drake habang nakahiga sa kanyang kama, hindi maigalaw ang kanyang mga kamay. Ano kaya ang mangyayari sa one-sided at broken marriage nina Drake at Adeline? Kakayanin kaya ni Adeline ang malupit na pagtrato at kayabangan ni Drake? Mabubuhay ba silang magkasama bilang mag-asawa nang walang pagmamahal at pagkakaintindihan? O mamumulaklak ang pag-ibig sa gitna ng bawat poot at hindi pagkakaunawaan?
Romance
1055.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Indecent Love

Her Indecent Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 1: Her Indecent Love Isang modelo si Patrisha Cruz na siyang lumipad patungo sa ibang bansa, upang tahimik na iluwal at mag-isang palakihin doon ang kanyang anak. Utos iyon ng kanyang mga magulang upang hindi na mapag-usapan pa ang nangyaring disgrasya sa kanya, sapagkat nabuntis siya ng hindi naman niya nobyo. Pagkalipas ng limang taon ay pinauwi na siya ng kanyang mga magulang upang tahimik na manirahan sa isang probinsya kasama si Don Carlo, ang kanyang lolo. Mula doon ay makikilala niya ang driver slash bodyguard ng kanyang lolo na si Archer Sebastian Tuazon, na kanyang pagkakainteresan. Halos lahat kasi ng lalaki sa lugar na iyon ay sinasamba ang kagandahan niya, maliban lamang kay Archer na kahit tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Maganda naman siya at maganda din ang katawan niya kahit pa may anak na siya, siguradong-sigurado siya doon sapagkat lahat ng lalaking nagdaan sa buhay niya ay iyon lang naman ang gusto sa kanya. Kaya nga matagal na siyang hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. Dahil para sa kanya ay pare-pareho lamang ang lahat ng lalaki. Ngunit tila kakaiba si Archer sa mga lalaking nakilala niya. At dahil doon ay gagawin niya ang lahat upang makuha ang atensyon ng tahimik at supladong binata na si Archer Sebastian. Magtagumpay naman kaya siya? Paano kung sa bawat pang-aakit na gawin niya ay mas lalo lamang mahulog nang tuluyan ang loob niya sa binata? Paano kung hindi niya namamalayan na unti-unti na palang nagmamahal ng totoo ang puso niya? Mapapaibig niya nga kaya ang lalaking nagturo sa puso niyang magmahal muli?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

RED ROSES: ALTHEA (Book #2)

Paalala: Ang kuwentong ito ay isang kathang-isip lamang. Anuman ang inyong mababasa ay huwag tularan. Panimula: Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw, napilitan siyang magtungo sa police station dahil nasangkot ang kanyang kapatid sa isang gulo sa bar. Doon, isang babaeng pulis ang umagaw ng kanyang atensyon. S'ya si Kurt John McCain, isang multi-billionaire na business tycoon, ay kilala hindi lang sa kanyang yaman kundi pati sa kanyang nakamamanghang hitsura—matangkad, makisig, at ang kanyang ngiti ay sapat na para mawalan ng ulirat ang sinumang babae. Ngunit para sa kanya, ang mga babae ay walang iba kundi panandaliang libangan. Walang puwang ang seryosong relasyon sa kanyang abala at marangyang buhay. Para sa kanya, ang mga ito ay parang laro lamang—walang emosyon, walang komplikasyon. Ang lahat ay laro lamang. Si SPO 3 -Althea Perez, isang dedikadong policewoman, ay hindi lang mahusay sa kanyang tungkulin kundi kilala rin sa kanyang kagandahan, kaseksihan, at kabutihang-loob. Ngunit sa kabila ng pagiging pulis, marunong din siyang magpatawa at makibagay. Lihim niyang binabalanse ang buhay sa pamamagitan ng pagraraket sa palengke upang suportahan ang kanyang pamilya. Bagamat maamo ang kanyang hitsura, huwag kang magkakamali—hindi siya aatras sa sinumang nagtatangkang umabuso sa kanyang prinsipyo. Isang araw, nasapak niya ang isang mayabang na lalaki na nagdulot ng kanyang pagkawala ng malay. Ang mayabang na lalaki? Walang iba kundi si Kurt. Ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? Paano mababago ng isang policewoman ang buhay ng isang businessman na walang pakialam sa pag-ibig? Abangan ang kwento ng dalawang magkaibang katauhan na pinagbuklod ng kapalaran.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
334 viewsOngoing
Read
Add to library
A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? Basahin niyo na lang ang nakakaloka! Nakakalandi! Nakaka-ugh! Walang iba kung hindi ang nobelang "A House With Heartthrobs." Mapapasabi ka na lang na, "Sana all!"
YA/TEEN
1015.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status