A Love To Remember
Sa kabilang bahagi ng backstage, may ilang kaklase silang nagmamadaling naghahanda para sa kanilang sayaw.
“Hosts! Two minutes!” sigaw ng isang organizer.
Napatawa si Aaron.
“Tara, trabaho ulit.”anyaya nito kay Mika.
Tumango si Mika.
Habang naglalakad sila pabalik sa stage, may bagong sigla sa kanyang dibdib. Hindi lamang dahil sa tagumpay ng kanilang hosting. Kundi dahil sa pakiramdam na may isang taong handang sumabay sa bawat hakbang niya. At sa gabing iyon ng Cultural Night, hindi lamang mga sayaw, kanta, at tradisyon ang naipakita sa entablado. May mga bagong alaala ring nabuo. Mga pagkakaibigan na mas tumibay. At mga damdaming unti unting nagsisimulang mamukadkad tahimik ngunit totoo.
Hot Chapters