Taste of King: CHEATED, BROKEN, OWNED.
"Everything in this world comes with a price, and my help isn't free. Leave that boy when you find out the truth. Because from that moment on, you are mine.”
Iyon ang mga katagang binitawan ng bilyonaryong si King Imperial nang humingi ng tulong si Aline Buenavista sa kanya para makaalis sa isla at mapatunayang ikakasal na nga sa iba ang kanyang nobyo.
Apat na taon nang nagtitiis si Aline sa kanyang live-in partner na si Ejay. Dahil sa paninindigan niyang ibigay lamang ang sarili kapag kasal na sila, madalas siyang iwanan nito para maghanap ng aliw sa ibang babae.
Ngunit sa isang gabing nalunod siya sa alak at labis na sakit, napuno si Aline ng galit. Sa gitna ng kalasingan, pumaso