Deadline:The Billionaire Who Loved Me On Borrowed Time
Gusto ko siyang ikulong sa poder ko, ilista ang buong yaman ko sa pangalan niya, at patayin ang kahit sinong tumingin man lang sa kanya nang may malisyang tingin dahil si Ciara Montez ay akin, at hinding-hindi ko hahayaang may umagaw sa mundo ko.
Noon, dead-inside na ako. Stage 4 cancer, sunod-sunod na betrayal mula sa demonyong si Andrea na unti-unti akong nilalason para sa mana, at ang limitadong oras ng buhay ko. Pero nagbago ang lahat nang dumating ang sunshine energy niya. Siya ang tanging taong hindi natakot sa mga banta ko, na kahit noong pilit ko siyang itaboy at sinigawan para lang ilayo sa tiyak na kamatayan, ayaw pa ring bumitaw. Habang nalalagutan ako ng hininga sa sahig dala ng pinagsamang lason at sakit, niyakap niya ako at sinabing hinding-hindi niya ako iiwan.
At doon ko naramdaman ang pinakamatinding shift sa utak ko: gusto kong mabuhay. Hindi para sa Voltaire Empire, kundi para sa kanya. Ngayon, natapos ko na ang bangungot ng nakaraan. Nakaluhod ako sa harap niya habang sumisikat ang araw sa cliffside, hawak ang simpleng singsing na may dugtong na pangako. Ang babaeng akala ko’y magiging katapusan ko ang siya ring nag-utos sa pusong ito na tumibok muli. Ciara, ibinigay ko sa'yo ang huling hininga ko, at ngayon, ang buong buhay ko naman.