She Leaves
Mas lalo akong natuwa kasi no'ng summer na iyon, akala ko isang linggo lang kaming mags-stay sa Cebu, it lasted for almost a month, three weeks maybe?
Mag-grade six na ako sa pasukan kaya ang usapan sa school namin noon ay tungkol sa crush. Ang sabi nila, ang crush daw ay isang paghanga sa isang tao. 'Yong tipong masaya ka sa tuwing nakikita siya. Mas ginaganahan ka sa buong araw 'pag nasilayan mo ang mukha niya. Kaya nang tinanong ako kung sino ang crush ko, siya ang una kong naisip. Nag-assume pa nga 'yong nagtanong sa akin no'n kasi akala niya siya 'yong crush ko dahil ngumiti lang daw ako nang tinanong niya ako kung sino ang crush ko. Feeler siya masiyado. Mabuti na lang at hindi ko na s
Bab Populer