Just One Night [Tagalog]
“Ah… Nakakainis ka na talaga! Cha, naman, huwag kang mang-iwan. You know you’re my best friend here, malulungkot akong wala ka na dito.”
Ang arte talaga. Kung alam lang niya. Pero sa ngayon, wala muna akong sasabihin para surprise. Gusto ko na tuloy tumawa, pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.
“Kahit kailan ka talaga, ang drama mo. Ganyan nga kasi talaga ang buhay, Gee. We have to accept the fact na ganito ang nangyari ngayon. Kaya ikaw, ‘pakatino ka dito kahit wala na ako. ‘Di ba sabi ko, matanggal na ang lahat, huwag lang ikaw.”