Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Taming the Devil Boss

Taming the Devil Boss

Kaya mo bang tiisin ang araw-araw na kasama ang lalaking pinaka-kinaiinisan mo? Yung tipong pagpasok mo pa lang sa opisina, madilim na mukha niya agad ang bubungad sa’yo? Yannie Sanchez, isang dedicated na secretary, ay labis na naiinis sa boss niyang si Xanthy Torres—ang seryoso, istrikto, at laging galit na CEO ng isang malaking kumpanya sa Asia. Para sa kanya, ito ang epitome ng "toxic boss" na palaging sumisira sa araw niya. Pero paano kung may dahilan pala sa likod ng kanyang ugali? Isang lihim ang matutuklasan ni Yannie—isang sikreto na magpapabago sa tingin niya kay Xanthy. Mula sa inis, unti-unti siyang nakaramdam ng awa at kagustuhang protektahan ito. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, kinailangan niyang lumayo—hindi alam ni Xanthy na nagdadala siya ng kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Sa pagkakataong ito, pipiliin pa rin ba niyang protektahan ito? O oras na para harapin ang nakaraan at isama siya sa hinaharap na para sa kanilang dalawa?
Romance
10548 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
108.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
Romance
44 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
SIRENS OF ATARGATIS  ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

SIRENS OF ATARGATIS ⚫FILIPINO⚫ || WIP ||

AiriiTheCoffeeCat
Si Melodia ay isang nilalang sa ilalim nang madilim at malawak na dagat. A heart full of hatred, ang puso ng mga taong may kinikimkim na kasakiman, selos at pagkamuhi ang nagbibigay buhay sa kanila. Silang mga sirena'y may kagandahang tinataglay at boses na pang-akit sa biktima. Ngunit isang insidente ang magbabago ng lahat nang buhayin muli ni Melodia ang taong nag-aagaw buhay. Ang simpleng sitwasyon ay naging sumpa ang dulot. Ang kanyang buntot ay maging paa at ang paa ng tao 'yon ay naging buntot. Kaya napagpasyahan niya na manatili muna sa lupa kahit walang ideya kung paano mamuhay bilang tao. Isinama naman sa ilalim ng dagat ang taong ngayo'y nagibg sirena. Nakita siya ng isang lalaki na noo'y namamangka na kaagad siyang tinulungan. Sa paglipas ng mga araw ay muling nagbalik ang taong tinulungan i Melodia. Ngayon ay hatid niya ang pakiusap na tanggalin na ang sumpa, na ibalik na sa kanya ang mga paa ngunit hindi alam ni Melodia kung paano.
104.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Night With Mafia

A Night With Mafia

Malapit ng ikasal si Athena sa long time boyfriend niya. Subalit lingid sa kaniyang kaalaman na matagal na pala siyang niloloko ng kaniyang boyfriend sa sarili pa niyang kapatid. Athena’s sister and her fiance set her up, nilagyan nila ng isang gamot ang iniinom ni Athena para makaramdam ito ng hilo at makaramdam ng init ang kaniyang katawan. In the next day, Athena's eyes widened when she saw that there was a man next to her that she didn't know. Ipinangako niya sa fiance na ibibigay niya ang pagkababae niya sa mapapangasawa niya subalit nawala ang lahat ng dahil lang sa isang gabi. It turns out that the guy is actually the sole owner of a Black Diamond Mafia Organization, who is feared by everyone. Paano kung magtagpo ang kanilang mga landas makalipas ng maraming taon? May mabubuo bang pag-ibig dahil sa kanilang anak? Subalit paano kung malaman niyong dalawa ang madilim na sekreto ng inyong mga pamilya? What will happen? Are you willing to kill your love ones just for the name of revenge?
Romance
9.9754.2K viewsKumpleto
Ipakita ang mga Review (92)
Read
Idagdag sa library
Ella Merilo
MISS A!! sobrang ganda po ng kwentong to! ito ang isa s mga nagustuhan ko ding kwento, bukod sa my trill eh tlgang mdadala k s kwento at mapapaiyak kdin ni athena...hindi lang un tlgang pinuyat ako neto...grabi sobrang mamimiss ko ang kwento nila gavin at athena......️thanku missA godbless po......
Princess Garcia
sa mga nabasa ko na story ito Yung masasabi Kong the best talga worth it dika maboboring Lalo na kung medjo malapit na sa dulo intense laban parang nanonood lang ako hehe subrang sakit Ng pinag daanan ni Xavier dun mo talga masusukat Yung pag mamahal niya ky Athena salamat author the best to!🤍
Basahin ang Lahat ng Review
The Doctor's Fiance: Love Across Borders

The Doctor's Fiance: Love Across Borders

Atrytone Rae
Sa mata ng lahat, si Aster ay isa lamang doktora sa isang maliit na ospital kung saan ito lumaki. Ngunit, lingid sa kaalaman ng mga ito siya ay isang sikat na doktor sa ibang bansa at magaling na surgeon. Tatlong taon ang nakakaraan ay nagtapo ang landas ni Aster at Dalton. Kilala si Dalton bilang isang maipagmamalaking anak ng langit, at hindi pa nito naramdaman na umibig, ngunit naiba ang lahat ng makita niya si Aster. Naghintay ito nang matagal upang mapa-ibig ang babae. Ngunit makalipas ang ilang taon, isang aksidente ang sumira ng lahat na naging sanhi ng pagiging paralisado nito. Upang mailigtas at magamot si Dalton, pumayag si Aster na magkapasal dito. Ngunit hindi niya inaakala na hindi lang kalusugan nito ang nawala ng dahil sa aksidente, pati na rin ang alaala nito. Nang dahil dito, nawalan na ng pag-asa si Dalton sa buhay, naging mababa ang tingin nito sa sarili at naging madilim ang buhay. Ngunit, patuloy si Aster sa paggawa ng paraan upang matulungan ang lalaking kaniyang minamahal.
Romance
682 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Phantom Syndicate 3: Cruel Games with the Mafia Boss

Si Hestia Angela Gonzaga, isang sikat na pop idol, ay may madilim na sekreto: isa siyang assassin na sinanay ng Phantom Syndicate. Matapos masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang pamilya noong bata siya, isinumpa niyang maghiganti sa mga mafia na sumira sa kanyang buhay. Ngayon, bilang CEO ng sarili niyang entertainment agency, ginamit niya ang kasikatan upang mapalapit sa kanyang target: si Demetrius Skye Van Heuffman. Si Demetrius, isang malamig at walang awa at makapangyarihang German-Filipino na mafia boss, ay bumalik sa Pilipinas bilang CEO ng isang multi-bilyong kompanya. Sa muling pagtatagpo nila, sinimulan ni Hestia ang kanyang plano—nagpanggap siyang kasintahan nito upang makalapit, makakuha ng impormasyon, at pabagsakin. Ngunit habang lumilipas ang panahon, hindi niya maiwasang mahulog sa lalaking dati niyang kinamumuhian. Ngayon, nahaharap si Hestia sa matinding laban: itutuloy ba niya ang kanyang misyon ng paghihiganti, o susundin ang puso at isusugal ang lahat para sa isang pag-ibig na maaaring magwasak sa kanya?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Love by Mission (The Billionaire's Spy)

Lumaki sa bahay ampunan at nilinlang ng taong kumupkop sa kanya para sa isang illegal na prostitusyon. Ganyan mailalarawan ang masalimoot na buhay at karanasan ni Emeryn Del Rosario. Sa pag-aakalang wala ng direksyon ang kanyang buhay, nakilala niya ang babaeng sumagip sa kanya. Ang nag-aruga, nagpaaral at nag-ahon sa kanya sa putikang kinasasadlakan. Ngunit kapalit ng kanyang marangyang buhay ay ang isang misyon na kailangan niyang maisakatuparan. Yun ay ang paibigin at wasakin ang gwapong bilyonaryo ngunit mabangis na si Dreymon Velmonte. Inalay maging ang kanyang katawan. Naging sex slave si Emeryn makuha lamang ang loob at puso ng binata. Ngunit kung kailan napagtagumpayan ang kanyang misyon ay saka niya naman natagpuan ang sariling umiibig na ng labis sa binata. Pero walang sekreto ang hindi nabubunyag. At nang malaman ni Dreymon ang pinakatinatago niyang lihim ay labis siyang kinasusuklaman nito. And he planned to punish her for a lifetime. "Marry me or I'll kill you!" Madilim ang anyo nitong alok sa kanya.
Romance
1016.2K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
9.97.8K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Shadow Love of Mr. Zillionaire

The Shadow Love of Mr. Zillionaire

Para kay Jiannella, ang buhay ay parang isang salamin na nabasag—mahirap ng ayusin. Sa pagtatangkang ilayo ang kanyang kinikilalang kapatid sa kapahamakan, sumama siya sa kanyang tunay na mga magulang sa Pilipinas. Ngunit ang inaasam niyang tahimik na buhay ay nauwi sa isang malaking drama. Ang kanyang kapatid na si Mika, na anak ng dating yaya, ay labis na pinapaboran ng kanyang ina, na tila nagsisisi pa na dinala siya sa kanilang tahanan. At ang pinakamasakit, ang kanyang fiancé na si Duke, ay labis na umiibig kay Mika at gustong ipagpaliban ang kanilang kasal dahil lamang sa pagbabalik ni Mika mula sa ibang bansa. Sa desperasyon na makatakas sa kanyang pamilya, ipinost niya ang mainit na balita. Ang kanyang fiancé na si Duke, ay may relasyon sa kanyang kapatid na si Mika. Sa kasamaang palad, nagamit niya ang black card na bigay ng kanyang kapatid, at alam niyang anumang oras ay magpapakita ito sa kanyang harapan. Malapit na bang mabunyag ang kanyang madilim na sikreto? Lihim siyang may nararamdaman para sa kanyang kapatid, ngunit pilit itong kinukubli dahil sa takot na ito'y kakaiba.
Romance
10222 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
45678
...
11
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status