The Billionaire's Abandoned Wife
“Magkasundong-magkasundo siguro ang mag-lola. Close na close siguro sila, ano ho?
Natawa ang ale. “Magkasundo? Ku-u! Iniba ng kulungan si Iska. Paglabas niya ng kulungan, buhay prinsesa na siya. Hindi na siya ‘yong dating Iska na masipag maghanap-buhay. Idinadahilan niya ang sunog na mukha niya kaya hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Si Paige ang bumuhay sa kanilang mag-lola. Anim na taon pa lang si Paige, dumidiskarte na ‘yan sa pagbebenta ng kung ano-ano. ‘Yon kasi ang utos ni Iska sa bata. Kung hindi susunod si Paige, lalatiguhin siya ni Iska. Kaya naman lumaking masipag si Paige. Tignan mo nga, kahit na nagsusugal si Iska at ‘di siya mapag-aral, nagsumikap pa rin ‘yong bata at
ตอนยอดนิยม