Working as a Maid for the Billionaire
Ngunit bago ko pa man tuluyang maidilat ang aking mga mata, isang pamilyar at banayad na pakiramdam ang pumukaw sa aking ulirat.
May kung anong mainit na humahaplos sa aking mukha. Isang dahan-dahang pagpapadaloy ng mga daliri mula sa aking noo, pababa sa aking pisngi, bago marahang huminto sa may gilid ng aking panga. Ang haplos na iyon ay may dalang pambihirang ingat, tila ba natatakot na sa isang maling galaw ay bigla akong maglaho na parang bula.
Nang dahan-dahan kong imulat ang aking mga mata, ang sumalubong sa akin ay ang mga matang kay tagal kong kinasabikan na makita.
ตอนยอดนิยม