Ang Ganti ni Amarra Villasanta
Hanggang sa nakatulog na lamang siya.
Kinabukasan, pagbangon niya, nakita niyang may maliit na basket sa labas ng kanilang silid. Tiyempo namang siya ang unang nagigising sa umaga habang tulog pa ibang mga kasamahan. Kinuha niya iyon at inusisa ang laman— isang piraso ng tinapay at isang mansanas. Walang sulat, ngunit may tali na sutla, kulay asul. Napangiti siya, bagaman hindi niya alam kung sino ang naglagay. Sa puso niya, marahang sumilay ang pag-asa—na marahil, sa kabila ng lamig ng hacienda, may puso pa ring marunong umunawa. At sa di kalayuan, sa balkonahe ng ikalawang palapag, isang binatang nakaputing polo ang nakamasid—si Senyorito Claudio Arguelles, ang anak ng Doña. Tahimik, nguni
Hot Chapters