Falling in Love with the Billionaire
napailing ako at napaluhod, "kung alam ko lang na mangyayari 'yon, sana ay hindi nalang ako umalis ng condo natin. Baka buhay ka pa ngayon. Hindi sana tayo hahantong sa ganito."
Napatingala ako sa langit ng maramdaman kong pumapatak ang ulan. Pati ang langit ay nakiki-iyak sa akin.
"How can I go on with my life without you, Muffin? Wala ka na sa tabi ko. Hindi na kita makakasama. Wala ng magluluto sa akin ng masasarap na pagkain at wala ng mag-aalaga sa akin. You know that you are my home, right? How can I go home knowing that you're not there anymore? Ni hindi ko na alam kung paano mabuhay na hindi kita kasama. I was not prepared for this, Muffin. Nasanay na akong palagi kang kasama." Paran