Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

Yesterday's Scars of Forbidden Happiness

writerNJ017
Si Sudara Boone ay isang taong lumaki sa pangangalaga ng mga taong lobo. Siya ay iniwan ng kaniyang tunay na ina sa kagubatan ng Aerabella at siya’y kinupkop ng prinsesa na si Sadi, at kaniya itong itinuring na anak. Nilihim ng ina ang tungkoll sa kaniyang tunay na pagkatao, kung kaya’t namuhay siya sa kasinungalingang natatangi siyang taong-lobo. Tahimik at masaya siya sa kaniyang kinagisnang buhay, ngunit nagbago ito nang kaniyang makilala ang litratistang binata na si Azro. Sa unang pagtatagpo ng kanilang landas ay ang malagim na panaginip, kung saan pareho silang napahamak sa isa’t isa, ngunit naging daan ito upang kanilang kilalanin ang bawat isa. Naging madalas ang kanilang pagkikita hanggang sa sila’y naging magkaibigan at nagkamabutihan ng loob. Hindi ito ipinagsabi ni Sudara sa kaniyang tribo, hanggang sa lumalim ang kanilang samahan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag at nalaman din ito ng tribo at nagpasiya silang patayin ng lihim kay Sudara si Azro. Dahil sa kaniyang matalik na kaibigan, naipagtapat kay Sudara ang tungkol sa plano ng kaniyang tribo. Alam niyang wala siyang laban dito. Sa kadahilanang iyon, nagpasiya si Sudara na ibuwis ang kaniyang buhay para sa kaniyang minamahal at naging sanhi ito ng pagkatalo ng tribo, at walang nagawa kundi ang hayaan si Azro na lumaya kasama ang ala-alang masaya’t puno ng pangarap ngunit mapait na pag-iibigan.
Other
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
Romance
1023.6K viewsCompleted
Read
Add to library
ABLAZE WITH GOLD

ABLAZE WITH GOLD

Mia Ghibee
Sa konsepto ng mga mortal, masasabing taglay sana ni Mark ang perpektong buhay—mayaman, matikas ang katawan, magandang lalaki at magaling sa larangan ng negosyo. Ngunit dahil sa isang insidente, hindi niya naisakatuparan nang lubusan ang kasiyahang hatid ng karangyaan dahil sa kanyang “sixth sense”, na naging dahilan upang hindi siya pangkaraniwan. Dahil dito, naging bahagi na lamang ng kanyang pangarap ang perpekto ngunit tipikal na buhay. Paano siya aarteng normal kung araw-araw siyang nakakakita ng mga paranormal? At ngayon na may kumakatok sa kaniyang puso, paano niya ito pagbubuksan kung ang kanyang pagkatao ay nababalot ng misteryo?
Fantasy
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Daddy, Ma'am Loves You

Daddy, Ma'am Loves You

HUGUTERA
A family that he can say his own, a wife, children that can make his life complete as a man. Iyon ang tanging hangad ni Angelo sa kaniyang sarili, pero hindi niya akalain na mahirap pala itong makuha. Namatay nang maaga ang kaniyang nobya, matapos isilang ang bunga ng kanilang pagmamahal. Sinabi niyang hindi na niya bubuksan ang puso para umibig pa. Naging malamig siya sa lahat, naging manhid. Hanggang sa makilala niya si Ms. Loraine, ang kalaona’y magiging teacher ng kaniyang anak. Can he hold his promise when his heart is now changing its beat every time, they met their eyes? Can Angelo hold his heart not to love again?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Marrying My Ex-Fiance's Uncle

Marrying My Ex-Fiance's Uncle

    Malaki ang utang na loob ni Amaya sa pamilyang Santiago na umampon sa kanya. Ngunit hindi niya akalain na darating ang araw na sisingilin siya ng mga ito sa pag ampon sa kanya.     At ang kabayaran na hinihingi nila ay ang magpakasal sa pamilyang Evans na isa sa pinakamayamang pamilya na kilala sa kanilang bansa, si Richard Evans, ang unang apo ng mayamang pamilya.     Dahil sa utang na loob niya at pagpapalaki ng pamilyang Santiago ay walang naging pagtutol si Amaya kundi ang sundin ang kagustuhan nila.     Sa pagpayag niya, naging maganda ang kasunduan ng pamilyang Santiago at Evans. Naitakda ang kanilang kasal. Naging maganda naman ang kanyang relasyon kay Richard sa kabila ng katotohanan na sa kasunduan lamang sila nagkakilala.     Ngunit ang akala niya na perpekto na ang lahat, gumuho iyon bigla sa mismong gabi bago ang kanilang kasal, nasaksihan ni Amaya ang pagtataksil ni Richard, at hindi lang sa kung sinong babae kundi sa tunay na anak ng pamilyang umampon sa kanya.     Hindi siya nagsalita, at walang balak si Amaya na kumptontahin si Richard. Tumalikod siya, taas ang noo niyang humakbang palayo.     Para mailabas ang sama ng loob sa nasaksihan, inaliw niya ang sarili sa pag inum, hanggang sa malasing siya ng tuluyan.      At sa gabing iyon ng kanyang kalasingan, doon na mas naging magulo ang takbo ng kanyang buhay. Nakilala niya ang batang tiyuhin ng kanyang fiance. At hindi lang simpleng pagkakakilala, kundi nagising siya sa kalasingan na katabi ang isang Kent Evans.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Star Daw Ang Tatay Ko

Hot Star Daw Ang Tatay Ko

Maria Everest Tolentino, a gold-medalist athlete. She's known for her skating skill. She's planning to join another international competition but everything got ruined in just one night. She was so mad at the man her father wanted her to marry. She knows that the guy wanted her virginity. As a rebel child, she's willing to share that 'trophy' with an escort para lang hindi mapunta sa lalaki. Hindi niya lang inaasahan na ibang kwarto ang napasukan niya. Ang malala pa'y kwarto ng kilalang artista.  What will happen when that mistake happened with the wrong person and in the wrong place? Naging almusal ng balita. Naging laman ng bawat diyaryo sa umaga. Ang malala pa'y nagbunga ang isang gabing pagsasama!
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Sweet Lie To A Billionaire

Sweet Lie To A Billionaire

Daylan
Dahil sa kahihiyang inabot ng mga magulang ni Thea sa gabi ng engagement nila ni Neil ay itinakwil at itinapon siya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Five years later, nagbalik siya sa Pilipinas na lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at kasama niya ang kambal niyang anak na naging bunga ng isang gabing pagkakamali niya. Nang makita ni Thea na kamukha ng isa sa kanyang fraternal twin ang CEO ng pinagtatrabahuhan niyang hotel na si Nathan Oxford ay gumawa siya ng kasinungalingan. Lakas-loob na ipinakilala niya sa binata ang kanyang mga anak at sinabing ito ang ama ng kambal niya. Dahil do'n ay pumasok sila ni Nathan sa isang contract marriage na sa kalaunan ay naging totohanan na. Ngunit paano kung malaman ni Nathan na nagsinungaling lamang siya rito para magamit niya ang koneksiyon nito sa paghihiganti niya sa mga taong nakagawa sa kanya ng malaking kasalanan? At paano rin kung malaman niya na si Nathan ay ang kinamumuhian niyang lalaki na naka-one-night-stand niya at naging dahilan kung bakit siya itinakwil ng kanyang mga magulang?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
With Hard Feelings

With Hard Feelings

Deliciouwsooo
Knight Monte Forteros, isang CEO sa tanyag na F Newspapers and Magazines Company at galing sa isang mayamang pamilya ay ikakasal na sana sa kaniyang fiance na si Cayleigh Sasa Montemayor na galing rin sa pamilya ng mga negosyante at ang nagmamay-ari ng Hotel de Montemayor, ngunit naudlot ito dahil sa isang aksidente. Aki Rodrigo Salamangca, isang fashion designer at nagmamay-ari ng sikat na Magic Fashion Boutique ay ang nakabangga sa fiance ni Knight na si Cayleigh na naging dahilan upang maputulan ito ng dalawang paa. Dahil sa galit ay ikinulong ni Knight si Aki at itinago sa publiko ang mga pangyayari gamit ang kaniyang mataas na posisyon sa lipunan. Nang makitang wala ng ibang pag-asa ay nakipagsundo si Aki na maging alalay ni Cayleigh habang buhay kapalit ng kaniyang kalayaan. Naging paa at mata ni Cayleigh si Aki na naging dahilan din naman ng madalas na ugnayan nilang dalawa ni Knight. But if the heart of the oppressed falls into false love, is the feeling of the heart heavier than the depth of gratitude? Is it wrong to fall in love with a conqueror? Maybe so, but it's worse to fall in love secretly.
Romance
912 viewsOngoing
Read
Add to library
Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?
Romance
1014.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status