Fated to Love You
Yung labi na laging nambabara at nanenermon, ngayon ay nakatiklop lang nang maayos.
Napangiti si Yumi nang mapait pero may halong kakaibang pakiramdam. Dito na niya naramdaman ang matinding awa at malasakit para kay Kalel.
“Kala mo naman ang tapang-tapang mo eh,” bulong niya habang dahan-dahang inaayos ang kumot na nakatakip dito. “Ngayon, nandito ka, walang magawa, nakadepende sa iba. Sino ba kasi ang may ayaw sa’yo at gusto kang patayin ha? Ang dami mo pa lang kaaway... pero sana... sana gumaling ka na.”