Argo Greensmith
"Mawalang galang na ho, pero mas maganda ho sana kung uuwi na lang ako. Hindi ko na ho ipipilit sa anak n'yo na walang bayag ang pagiging Ama sa anak ko. Hindi rin ho ako intrisado kung ano ang meron kayo at kung tatanongin n'yo ako kung sino ako?
My name is Natalia Punongbayan! From the City of Dreams Manila! Na may kasabihan na; Sa bansang mahal ang bigas gayundin ang gas, maraming mandurugas, marami ring PATATAS... PILIPINAS!! And I thank you!" Matapos ko 'yon sabihin ay sumulyap pa ako kay Argo na umiiling lang sa'kin bago taas noo ko silang tinalikuran.
Parang may stiff neck pa nga ang leeg ko habang naglalakad palabas ng bahay.