Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

⚠️SPG  "Bulag na Pagmamahal: Ang Kwento ni Rheana Belmonte" Si Rheana Belmonte, 20 taong gulang—bulag, ngunit marunong magmahal. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ibinuhos niya ang buong puso sa lalaking inakala niyang tagapagtanggol niya... si Darvey Gonsalo. Pero ang pag-ibig na inaakala niyang kanlungan, unti-unting naging impyerno. Nang dumating sa buhay nila si Cindy Buena, unti-unting naglaho ang halaga ni Rheana. Sa mismong tahanan nilang mag-asawa, nasaksihan niya—harapan—ang kababuyang ginagawa ng kanyang asawa’t kabit. Sa harap ng lipunan at ng pamilya ni Darvey, ibinaba siya sa pagiging isang katulong—walang karapatan, walang boses, at lalong walang dignidad. Ang masakit? Hindi lang siya binulag ng kapalaran, kundi pati ng pag-ibig. Hanggang kailan mananatiling martir si Rheana Belmonte? Lalaban ba siya sa sistemang sumira sa kanya—o mananatili siyang bulag habang tuluyang nilalamon ng karimlan ang kanyang mundo?
102.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 82 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
Arrangement Between Strangers

Arrangement Between Strangers

EMRLDX
"I-I just married a stranger!" Isang kasunduang kasal ang naganap sa pagitan ng mga estranghero, maisakatuparan lang ang kanya-kanyang layunin. Ang negosyo ng pamilya Alvarez ay unti-unti nang nalulugi na siya ring dahilan ng unti-unti nitong pagbagsak. Isa nalang ang paraan upang maisalba lahat ng pinaghirapan nila, iyon ay ang ipagkasundong ipakasal ang anak nilang si Elle, sa anak ng mag-asawang Martinez. Si Ashton Klyde ang natatanging binata na ipinagkalooban ng naipong mana mula sa angkan ng Martinez. Ngunit, makukuha lang nito ang lahat kung siya ay ikinasal na. At sa kagustuhang maipasa sa kanya ang mana, pumayag siya sa isang kasunduang labag rin sa loob niya... Ang kasunduang ikasal sa taong wala siyang pagkakakilanlan. Dalawang bagay lang ang kailangan nilang gawin upang magtagumpay, ang tumira sa iisang bubong at magpanggap bilang mag-asawang nagmamahalan. Ngunit, may mabubuo kayang pag-ibig sa kasal na wala namang pagmamahal? At, pauusbungin pa ba nila ang mga nararamdaman nila sa oras na malaman nila ang tunay na pagkakakilanlan ng taong pinakasalan nila?
1.6K viewsOngoingIdinagdag sa Library 42 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
Marrying A Probinsyano?

Marrying A Probinsyano?

Zariah Fuente, isang babaeng bunga ng isang one night stand. Buong buhay niya ay pinaramdam ng kanyang ama na siya'y isang pagkakamali mula sa nakaraan. Kahit kailan hindi niya naramdaman may ama siyang magmamahal sa kanya. Sebastian Eli Sarmiento, isang mailap na CEO ng isang kompanya. Buong buhay nito ay gusto nitong makahanap ng babaeng magpaparamdam sa kanya ng tinatawag na pagmamahal. Paano kung biglang malaman ni Zariah na ikakasal siya sa taong dapat papakasalan ng kanyang kapatid sa ama? Paano kung kailangan niyang hiwalayan ang taong mahal niya para sa isang kasunduan? Ano kayang magiging buhay ni Zariah pagkatapos malaman na ang taong papakasalan niya ay isang mahirap at taga probinsya? Paano kung sa oras na nasanay na siya sa bagong buhay ay may malaman siyang isang katotohanan na babago sa buhay niya? Maramdaman kaya ni Sebastian ang pagmamahal na nais niyang maramdaman sa kanyang magiging asawa?
9.9113.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3.7K Beses bilang pagmamahal sa bayan
Ipakita ang mga Review (24)
Read
+Library
cas_airen
meron na po akong bagong story, please support my new story. Isasali ko po siya sa contest dito sa goodnovel. kung isa ka po sa nagustuhan ang ilang story ko rito sa goodnovel, sigurado rin po na magugustuhan niyo ang "Breach Of Trust"
lobidi
Grabe miss A nakakakilig doon sa bandang pagkabit ng dekorasyon. Kailangan pala by partner ang paglagay ng dokorasyon kaya pala kapag ako and nagdedekorate tinatamad ako hahaha. Btw ang ganda Miss A. Kailan Update?
Basahin ang Lahat ng Review
Remarried: Carrying the Tycoon's Child

Remarried: Carrying the Tycoon's Child

Sa araw ng kanilang wedding anniversary ay natuklasan ni Clara Villareal, Del Rosario ang katotohanan sa likod ng kakaibang kinikilos ng asawa sa gabi. Nalaman niyang hindi pala siya mahal ng asawa na si Ethan, kundi ang hipag niyang si Mina at nilihim iyong lahat ng pamilya nito mula sa kanya. Masakit pero nilaban niya ang pagmamahal para sa asawa. Ngunit isang araw pa lang ang lumilipas matapos na pumanaw ang asawa nito mula sa isang aksidente ay dinala na ni Ethan si Mina at ang anak nito sa bahay upang doon tumira. Hindi siya pumayag, nilaban niya ang karapatan bilang asawa pero hindi iyon naging sapat. Unti-unti niyang naramdaman ang pagbabago at hindi iyon ang pinangarap niyang buhay. Sa huli, kahit mahirap at masakit ay pinili niya ang sarili. Ayaw na niyang masaktan nang paulit-ulit sa ginagawa ni Ethan. Nakipaghiwalay siya upang makapagsimulang muli. Ngunit tila may ibang plano ang kapalaran sa kanya.
10740 viewsOngoingIdinagdag sa Library 28 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

Phantom Syndicate: Undercover Wife to the Mafia Trillionaire

WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
10101.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.2K Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
Contracted To Break The Billionaire's Heart

Contracted To Break The Billionaire's Heart

Breaking him was her mission. Sylviea, 27 years old. Isang runaway bride, tinakbuhan ang kasal na isang bayad utang ng mga magulang niya sa lalaking dapat mapapangasawa niya. Napadpad siya mansion ni Niro, kinanlong, inalagaan at minahal. Ngunit si Gabriel, ang taong pinagkakautangan ng magulang niya, ay natunton siya. Bilang kabayaran sa utang nila at sa pagtakbo niya binigyan siya nito ng isang misyon, “Break his heart, make his empire mine.” Loving her was his downfall. Sa gitna ng pighating dinadamdam ni Niro Figarlan, isang business tycoon, mula sa annulment ng kasal nito sa unang asawa. Dumating sa buhay niya si Sylviea. Isang panibagong pag-asa para sa kan’ya, naging kanlungan niya at di nagtagal ay natutunan niyang mahalin. Pero paano kung ang pagmamahal ay nagsimula lamang sa isang misyon? Misyon na mismong sirain siya? Truth that can kill the soft billionaire and turn him into a cold and heartless monster. At makakaya pa kaya ni Sylviea na ipaglaban ang nararamdaman niya? Kung maiipit siya sa gitna ng kaligtasan ng pamilya niya at saktan ang taong minamahal na niya?
109.0K viewsOngoingIdinagdag sa Library 305 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
My Ex's Uncle Owns Me

My Ex's Uncle Owns Me

Warning (R18) SPG Novel... Akala ni Ranzzel Layaoen, ang pinakamalaking dagok sa buhay niya ay ang pagkawasak ng kanyang pamilya at puso. Pero mas matindi pa pala ang kapalit—isang kasal na walang pagmamahal sa isang billionaire director doctor kilalang coldhearted at nakatali sa wheelchair, si Vincentius Vaughn. Para lang mailigtas ang negosyo ng pamilya, pumayag siyang maging asawa niya… kapalit ng isang kontrata. Ngunit nang matagpuan niya si Vincentius sa dalampasigan—walang malay, may amnesia, at higit sa lahat… nakakalakad—unti-unting nagbago ang lahat. Sa simpleng buhay na malayo sa lungsod, natuklasan niya ang isang bagong Vincentius—maalaga, mapagmahal, at tila matagal na siyang minahal noon pa man. Pero paano kung bumalik ang kanilang nakaraan? Paano kung ang totoong banta sa kanilang buhay ay hindi pa tapos? At paano kung ang akala niyang panandaliang kasunduan ay isa palang pag-ibig na itinadhana?
106.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 122 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
Broken Promise

Broken Promise

Sa araw na dapat ay puno ng saya at pagdiriwang, nadurog ang puso ni Jullie Monteverde nang mahuli niya ang kanyang unang pag-ibig na si Didrey James Alcantara na may kahalikang ibang babae. Mula sa pitong taong relasyon na akala niya’y matibay at totoo, isang iglap lang ang ginugol upang gumuho ang lahat. Tinakbuhan ni Jullie ang lalaking minsang naging mundo niya, dala ang sakit, galit, at pangakong hindi na muling babalik. Ngunit ang nakaraan ay hindi basta-basta nagpapakawala. Sa muling pagtatagpo nila, haharap si Jullie sa lalaking handang gawin ang lahat upang makabawi—kahit huli na. Sa pagitan ng pagmamahal na minsang naging totoo, ng sugat na hindi pa tuluyang naghihilom, at ng bagong lalaking darating upang iparamdam sa kanya ang pag-ibig na karapat-dapat, kailangang pumili ni Jullie: Magpapatawad ba siya… o pipiliin niyang magmahal ng mas tama sa pagkakataong ito? Isang kuwento ng pagtataksil, pagbangon, at ikalawang pagkakataon sa pag-ibig.
10537 viewsOngoingIdinagdag sa Library 11 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir

NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir

“Sa loob ng pitong taong pagsasama natin, naging sunod-sunuran ako sa pamilya mo. Umaasang balang araw mararamdaman ko rin ang pagmamahal mo—ang mahalin ng isang Draven Morris.” Ako si Scarlet Ferguson. Itinago ko ang lahat ng sakit, pati na ang anak naming hindi niya kailanman nalaman. Akala ko sapat na ang pagiging tapat na maybahay para mabago ang nakatakdang paghihiwalay na nakasaad sa aming kasunduan. Ngunit isa lang pala itong malaking biro. Habang ibinibigay ko sa kanya ang lahat, iba naman ang babaeng palagi niyang pinipiling paniwalaan at inuuna. Ngayong tapos na ang pitong taon, ako naman ang magbibigay ng bagong kontrata. Sa aming paghihiwalay, magiging malaya na kami—pero hinding-hindi ko ipapaalam ang tungkol sa aming naging anak. Pipirmahan kaya ni Draven ang kasunduang tuluyang mag-aalis sa lahat ng kanyang karapatan bilang ama, o huli na ang lahat bago niya mapagtanto ang pinakamahalagang taong mawawala sa kanya?
10336 viewsOngoingIdinagdag sa Library 7 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?

Si Anna Soledad "Sol" Madrigal ay isang mataray, matapang at palaban na heiress. Itinakdang ipakasal sa isang lalaking hindi niya mahal bilang bahagi ng pagpapalawak ng negosyo ng kanilang pamilyang nagmamay-ari ng isang kilalang hotel at restaurant empire. Ngunit sa mismong araw ng kanyang kasal, habang naghihintay ang lahat sa kanyang paglalakad sa altar, pinili ni Sol na tumakas at iwan ang mundong matagal nang nagdidikta ng kanyang buhay. Napadpad siya sa tahimik na bayan ng Monteverde kung saan agad siyang sinalubong ng malas nang manakaw ang kanyang maleta. Sa gitna ng kanyang pagod at inis napagbintangan niya ang estrangherong lalaking nakakita nito, si Crisanto "Cris" Domingo, breadwinner ng kanyang dalawang bunsong kapatid at frustrated chef na kilala sa kanilang lugar dahil sa kakaibang lasa ng kanyang mga luto. Hindi alam ni Sol na ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring may-ari ng Karinderya Sa Kanto na dinadayo ng mga tao ano mang estado sa buhay dahil ang mga pagkain ay may kakaibang lasa at sarap. At bilang heiress ng isang emperyo sa larangan ng mga pagkain, hindi niya eto pwedeng balewalain. Mula sa maling simula na nauwi sa bangayan at asaran, hanggang sa hindi nila namalayang unti unti silang naglalapit, at may namuong pag-iibigan. Sa saglit na panahong namuhay si Sol bilang isang ordinaryong dalaga sa Monteverde, nagkunwaring pinsan ng kanyang kaibigan at nagtrabaho sa karinderya. Ngunit nang mabunyag ang kanyang tunay na pagkatao, magiging hahadlang ang agwat ng kanilang estado sa buhay. At may mga taong darating na hahamon sa kanilang pag-ibig. Habang si Cris ay patuloy na hindi bumitaw sa kanyang naudlot na pangarap. Sa pagitan ng pangarap, pride, at pag-ibig, handa ba silang ipaglaban ang isa’t isa?
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 24 Beses bilang pagmamahal sa bayan
Read
+Library
PREV
1
...
3637383940
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status