Behind The Mafia's Mask
May spam, corned beef, adobong manok, nilagang karne ng baboy, adobong sitaw, mainit na kanin, at may desert pa na leche flan.
Napalunok siya nang sunod-sunod. Kailan ba siya huling nakatikim ng karne? Hindi na niya iyon maalala. Kahit naman kasi ang kaniyang mga magulang hindi masyadong nag-aalis ng isla. Kapag pupunta lang sa bayan, minsan bumibili ng karneng manok ang mga ito.
“I hope you like it.” Ipinaghila siya ni Lucifer ng upuan.
ตอนยอดนิยม