The Fall of the Queen
Hindi ko pa alam kung ano ang hilig niyang kainin sa umaga o ang paboritong kombinasyon ng pagkain, kung kaya’t kung ano muna ang nandito na alam kong lutuin ay siya kong ihahanda.
Ang itlog na narito ay hinaluan ko ng sibuyas, kamatis, siling berde, at sinamahan ng natirang hinimay na manok kahapon at ipinirito iyon. Ininit ko rin ang tira sa niluto kong pasta, sunod ko namang ginawa ay tinusta ko sa kawali ang tinapay, at pagtapos no’n pinagtimpla siya ng gatas, pati na rin para sa akin.
Hot Chapters