Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Memories with you

Memories with you

KATHAMxM
Sina Skyler at Nathan ay matalik na magkaibigan na tila ba may parehong may hinahanap sa buhay. Si Skyler ay hinahanap ang pangarap nyang buhay habang si Nathan naman ay hinahanap ang kanyang nawawalang pagkatao. Sa pag tungtong nila sa kolehiyo makakakilala sila ng mga taong magbibigay kulay sa college life nila. Sa pagkakakilala ni Nathan sa gwapong bagong kaklase na si Jaspher, mabubukas ang pintuan mula sa kanyang nakaraan. Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong nya at kakulangan sa kanyang pagkatao? Mahahanap din kaya ni Skyler ang taong magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa kinabukasan nya?
LGBTQ+
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Muling Pagsusulat ng Iskandalo

Muling Pagsusulat ng Iskandalo

May nag-post ng pagtatapat ng pag-ibig para sa akin sa confession wall ng college. Pero nag-iwan ang nobyo ng kahati ko sa kwarto ng komentong nakipagtalik na ako sa bawat lalaki sa campus. Galit na galit ako at handa nang tumawag ng pulis. Nagmakaawa ang kahati ko sa kwarto na patawarin ang nobyo niya, nangangakong uutusan niya itong manghingi ng paumanhin sa confession wall. Pero bago dumating ang paumanhin na iyon, isang sensitibong video ang nagsimulang magkalat sa mga group chat. Sinasabi ng lahat na ako ang babae sa video. Ipinatawag ako ng college para sa makipag-usap at iminungkahi kong kumuha ako ng leave of absence. Pag-uwi ko, tumanggi ang mga magulang ko na kilalanin ako bilang kanilang anak. Nawala sa akin ang lahat. Kinain ako ng depresyon, at kasama ng walang katapusang tsismis, nawalan na ako ng pag-asa at winakasan ang buhay ko. Pagkamulat ko ulit ng mga mata ko, iyon ulit ang araw na unang lumitaw ang pangalan ko sa confession wall.
Short Story · Campus
663 viewsCompleted
Read
Add to library
I Love You, Assistant

I Love You, Assistant

Black_Angel20
She was a woman who wanted to hold everything that her parents planned for her. Kaya tumakas siya sa mga ito at binuhay ang sarili sa tulong ng amo niya na si sir Dwight Rivera. Ayaw niyang ilihim ang kanyang pagkatao dito. Pero paano kung isang araw malalaman nito ang totoong siya? Ang totoong rason kung bakit tumakas siya sa poder ng mga magulang niya?
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
That Frigid Mafia!

That Frigid Mafia!

[AL MONLEON SERIES #1—EVAN CHRAYSTLER AL MONLEON] Nang ipapatay ni Lord Amanncio Al Monleon, ang kilalang mafia king, ang mga magulang ni Andrea Maureen “Ada” Salvegas, inakala niyang tapos na ang lahat—hanggang sa ginawa siyang pambayad sa utang ng mga ito at pinasok bilang lingkod sa mansyon ng mga Al Monleon. Sa ilalim ng marangyang bubong ng kasamaan at lihim, nakilala ni Ada ang limang anak ni Lord Amann. Ngunit tanging ang pang-apat na si Evan Chraystler Al Monleon, o Young Master Evan ang nagpatibok ng kaniyang puso. Itinaga ni Ada sa sarili, na kailanman ay hindi siya magpapasalamat sa taong pumatay sa kaniyang mga magulang nang hayaan siya nitong mabuhay. Dahil para sa kaniya ay mas nakakabuting namatay nalang din siya. Ngunit paano kung ang mismong anak ng halimaw na iyon ang maging dahilan ng muling pagtibok ng kaniyang puso? At paano kung matuklasan niyang si Evan ay bahagi pala ng isang nakaraan na matagal nang binura ng kaniyang alaala? Handa ba siyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Frigid Mafia Prince, o pipiliin niyang kalimutan ito kapalit ng hustisya at galit na matagal na niyang pinanghahawakan?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
YA/TEEN
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Carrying the Child of a Billionaire

Carrying the Child of a Billionaire

Isang espesyal kung ituring ang taon na ito para kay Liam Caspian Delacroix, dahil ikakasal siya sa kanyang pinakamamahal nyang babae. At sa nalalapit na ang kasal ay hindi mawawala ang bachelor’s party na inihanda ng kanyang mga kaibigan. At sa kabilang banda, napilitan si Seraphina Acosta na maging substitute dancer sa isang Bachelor’s party. Dahil sa maganda, kaakit-akit, maganda ang hubog ng kanyang katawan, at higit sa lahat ay birhen pa. Kaya talaga namang kahali-halina siya at talagang nililingon sya ng mga kalalakihan.
Romance
10649 viewsOngoing
Read
Add to library
It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

cuttie.psycheDramaCampus
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Jojo and Coco's Unexpected Love

Jojo and Coco's Unexpected Love

Matapos mahuli ang kaniyang dating kasintahan sa kama kasama ang kaniyang half-sister, lumingon si Chloe at itinuon ang kaniyang mga mata sa tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, silang dalawa ay ikinasal.Habang siya ay lihim na natutuwa at gumagawa ng mga plano upang masiguro na siya ay magiging batang tiyahin, ang kaniyang loko-lokong kaibigan ay naghulog ng isang bombshell—siya ay nagpakasal sa maling tao.Habang naguguluhan ay tinititigan ni Chloe ang lalaking nasa harapan niya. Kahit na hindi ang lalaking ‘to ang kaniyang orihinal na target, napagdesisyunan niyang ayos na rin ito at nagpatuloy siya sa kaniyang plano.Gayunpaman, isang araw sa isang press conference, nalaman niya ang isang nakagugulat na balita—ang kaniyang napangasawa ay isang well-known investor, at ang uncle ng kaniyang dating nobyo na labis niyang hinahangaan ay nagta-trabaho sa kaniya.
Romance
9.476.6K viewsCompleted
Read
Add to library
TWISTED

TWISTED

WARNING: IMPLICIT AND MATURED CONTENT. THIS STORY CONTAINS VIOLENCE/KIDNAPPING/FORCED/RAPED. YOU HAVE BEEN WARNED! Dahil sa utos ng ina ay napilitan siyang pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para makilala ang anak ng kababata nito. Sa edad na bente otso ay single parin ang dalaga na si Regina Santos. Hindi pa siya nagkakanobyo dahil mas gusto niya ang magkulong nalang sa loob ng kwarto at manood ng mga korean nobela kaysa ang makipag-date o makipaglandian sa mga lalaki. Kaya naman ang ina niya ay nababahala na baka hindi na siya makapag-asawa, kaya inutusan siya nito na pumunta sa probinsya kung saan ito lumaki para ireto sa anak ng kababata nito. Dahil sa hindi niya magawang suwayin ang ina ay sumunod siya sa utos nito. Dito na nga nagsimula ang lahat. Nakilala niya ang tatlong mayaman na binata na gugulo sa buhay niya. Matagpuan niya kaya ang tunay na pag ibig sa mga ito? O ito ang magiging dahilan ng pagkawasak niya?
Romance
9.520.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Love Behind the Contract (An Army and his Innocent Wife)

Isang CEO na isa rin sa mga pinuno ng mga sundalo, nakipag-kontrata ng kasal sa isang inosenteng babae. Dumaan ang ilang buwan ay unti-unti silang nahulog sa isa't isa. Subalit, bumalik ang kanyang Ina at ginawa ang lahat upang mawala sa buhay ng kanyang anak ang inosente na babae. Ngunit, walang ibang nagawa ang CEO kundi ang ipaglaban ang babaeng iniibig niya. Subalit, dumating sa puntong pinagtangkaan ng kanyang Ina ang buhay ng iniibig nito. Magagawa pa rin bang manatili ng CEO sa tabi ng iniibig niya? O pakakawalan na lamang niya para sa kaligtasan?
Romance
9.92.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status