Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

A Contract Sealed With My Ex-Husband Half Brother

Ang akala mo mala-fairytale ang kanyang buhay kasama ang lalaki na pinakasalan niya ngunit nagkamali siya na matuklasan ni Tiffany Gonzales ang pagtataksil ng kanyang asawa kaya hiniling nito ang kalayaan. Pagkatapos malagdaan ang divorce paper ay focus lamang si Tiffany sa kanyang anak. Ngunit sa hindi inaasahan ay nagkasakit ang kanyang anak kaya nakilala niya si Gabiano Silverano. Kapalit ng tulong ng binata ay kailangan niyang magpakasal sa kanya. Pumayag si Tiffany sa alok ng lalaki para sa kanyang anak. Ngunit may natuklasan siya sa pagkatao ni Gabiano. Ano kaya ang magiging kapalaran ng mag-ina sa kamay ng pamilyang Silverano? Isa kayang mala-fairytale o magulong mundo?
Romance
10414 viewsOngoing
Read
Add to library
Loving The Mute Wife (Filipino)

Loving The Mute Wife (Filipino)

Weston loves to be a bachelor. Hindi rin naman kasi siya naghahanap ng babae. Ang kaso, makulit ang ina niya at gusto na siyang mag-asawa tulad ng mga kaibigan niyang may pamilya na. Hanggang sa hindi na siya tumutol sa kagustuhan nito at naisip na seryosohin na ang kasal na mangyayari. Dumating ang inaabangan niya, nakilala niya ang babaeng magiging asawa niya sa isang iglap. She's undeniably beautiful pero taliwas ito sa mga babaeng nakilala niya, tahimik at hindi siya masyadong pinapansin. Hanggang sa malaman niya ang kalagayan nito. Sa pag-usbong ng kakaibang nararamdaman ng lalaki para sa asawa. Kaya ba niya talagang sumugal? Mapalambot din kaya ni Weston ang pusong takot magtiwala?
Romance
1011.1K viewsCompleted
Read
Add to library
BILLIONAIRE’S NERD WIFE

BILLIONAIRE’S NERD WIFE

Jimsheen28 GN
Sa kabila ng pagiging anak mayaman ni Paloma Salvador, walang nais kumakaibigan sa pinapasukan niyang unibersidad dahil manang itong manamit. Ngunit hindi niya alintana ang pambu-bully ng kanyang mga kaklase dahil ang mahalaga si Kenneth Mercado ang lalaking lihim niyang minahal. Kenneth Mercado, dahil sa kalasingan nakagawa siya nang pagkakamali labis niyang pinagsisihan. Labag sa kanyang kalooban ang magpakasal kay Paloma dahil may iba siyang nais pakasalan. Hanggang kayang dalhin si Paloma sa kanyang pagmamahal para kay Kenneth? Magagawa pa kaya niyang ipaglaban karapatan niya bilang asawa kung hanggang papel ang pinanghahawakan niya kung una pa lang hindi na siya minahal.
Romance
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Killed His Fiancee

Accidentally Killed His Fiancee

Gazella BubblykinBillionaireCEO
Callista Ystraella Bell is a victim of an accident frame up. Aksidente niyang nasagasaan ang isang kotse na may lulan na dalawang tao, ang driver at ang sakay nitong buntis. Kalaunan ay nalaman niyang ang babaeng namatay sa aksidente ay ang magiging asawa pala ng isang bilyonaryong nagngangalang Greyson Blast. Mapapatawad pa kaya siya nito? O gagamitan siya ng kamay na bakal at sariling batas upang mapanagot siya sa kasalanang nagawa. Maaari nga bang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng dalawa? Tara at tunghayan natin ang kwentong magpapatunay na mas mahalaga ang magpatawad at magpaubaya sa batas kaysa ilagay ito sa ating mga kamay.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON

keyninks
Aerina Castillo Davion Kaizer Brivzon Masaya silang mag asawa at pangarap nilang mag ka anak kaya naman nuong nalaman ng dalaga na buntis sya, agad nya itong sinabi sa kanyang asawa. Ngunit imbes na maging masaya ang reaksyon nito ay kabaliktaran ito dahil sinabi nung asawa nya na hindi ito ang ama. Hindi ito naniwala at pinaalis ang asawa. Lumipas ang ilang taon nag kita ang dalawa kasama ang anak nila, na kamukhang kamukha nya. Malalaman na ba nya ang totoo? Mag kakaayos ba sila? O huli na ang lahat?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
THE BLIND BILLIONAIRE

THE BLIND BILLIONAIRE

“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.” - Audric Villanueva “M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.” - Ffion Sacueza ••••• Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito. Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric? Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito. Buntis ang babae. Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito. Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric. Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .
Romance
1079.1K viewsOngoing
Show Reviews (22)
Read
Add to library
Jellaixx
sobrang ganda ng nobelang ito! andito lahat e, sakit, kilig, luha, iyak, tawa! Overall nandito lahat na kahit ako ay parang tanga na sumisigaw sa kilig ...... pero wag palinglang sa kilig dahil sobrang sakit din ng kwento ni audric at ffion.,, halos nadurog din ako sa sakit. Highly recommended ko to!!
ICEVILLE
I thought at first na boring basahin to. Yong mga cliche na billionaire's love pero hindi, ibang-iba pala to. Mix emotion habang binabasa ko ito. Mapapaluha ka talaga. Worth Reading! ... Hands up sa otor nito. So far ito pa lang ang billionaire theme na iba ang plot, purong puro at literal na solid!
Read All Reviews
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6464.7K viewsOngoing
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hahaha naku Ms A masyado pala kami naexcite noong nlaman ni Geoff na Meron Sila anak ni Allyson at nlaman na Rin sa wakas Ang totoong pagkatao ni allyson..Hindi pa pla tapos dhil Meron pa pala kontrabida sa buhay nila..sana Ms A maikulong Ang mga dapat nakulong kapag ginawan nila ng masama
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Read All Reviews
THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7

THE BROKE MAFIA: Guardian of Paanakan 24/7

Ad Sesa
Kinatatakutan ang mafia boss na si Trood Moherra sa criminal underworld. Maliban kasi sa eksperto siya sa illegal trafficking ay wala siyang awa kung kumitil ng buhay sa mga traydor nilang kasamahan. Wala siyang sinasanto basta para sa grupo nilang IRON BLADES. Subalit isang araw, sa gitna ng kaguluhan sa mundo ng mga kriminal ay pinakiusapan siya ng pinakamataas nilang leader na si Mattias na pangalagaan niya ang pangalawa nitong asawa na si Monica na noon ay nagdadalang tao. Ginawa naman niya ang lahat upang iligtas ang babae sa kanilang mga kalaban. Iniuwi niya ito sa probinsya upang maprotektahan pati ang sanggol sa sinapupunan nito. Ang hindi nga lang inasahan ni Trood habang sila ay tumatakas ay siya namang panganganak nito. Napilitan tuloy siya na mag-highjack ng isang pampublikong bus upang makahanap ng magpapaanak dito. Nakilala niya sa bus ang pasaherong si Avely Venoza, ang isang nurse ng Moherra Birthcare Center sa probinsya ng Galero. Nagtulungan sila upang mailigtas si Monica at ang sanggol sa sinapupunan nito. Sa kasamaang palad, naging huli ang lahat, pinanawan pa rin ng buhay si Monica pati na rin ang sanggol. Nang malaman ni Trood ang nangyari ay binayaran niya si Avely upang ito na ang bahala sa mag-ina dahil kinailangan na niyang bumalik sa magulong mundo ng mga mafia. Doon nagalit sa kanya ang dalaga. Inakala kasi ni Avely na asawa at anak ni Trood ang mag-inang namatay. Hiniling ni Avely na sana hindi na magkukurus pa ang landas nila ng walang kuwentang ama, kahit pa sa bandang huli ay nalaman niyang nabuhay pala ang sanggol. Wala man siyang karapatan ay isinumpa ni Avely na hindi siya makakapayag na magkita pa ang mag-ama.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
His hidden Twins ( Bed warmer Series #1)

His hidden Twins ( Bed warmer Series #1)

Chesah Cielo adores his mother and will stop at nothing to make their lives better despite their struggles. Therefore, when her mother's life was in danger, she was compelled to sell herself to a complete stranger who would change her life. Ang inaasam na tunay na pag ibig ng dalaga sa binata ang siyang nagtulak sa kaniya upang maging martyr sa pananakit at pag aabuso ng doktor simula nang bumalik ang dating asawa nito. Dahil sa labis na sakit na natamo ng dalaga tuluyang sumuko siya sa pagmamahal sa nobyo at ito rin ang nagtulak sa kaniya upang takasan at itago ang kanilang anak. Makakaya ba ni Chesah na buhayin ng mag isa anng kanilang anak? Kaya niya bang talikuran ang lalaking nagparanas sa kaniya ng langit at impyerno? At ano ang magiging buhay niya?
Romance
71.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status