Married to the Wrong Man, Loved by the Right One
Tumulo ang isang butil ng luha ko.
Napayuko ako para hindi gaanong makita ang lungkot sa mukha ko habang maririnig ang sigawan ng mga taong pumapalakpak at masaya para sa pagmerge ng pamilya namin.
Marami ang nagsasabi na maswerte ang mapapangasawa ng isang Genesis De Sandoval. ‘Perfect Husband’ nga ang bansag sakanya dahil ayon sa marami, isa siyang gentleman, halimaw sa mundo ng negosyo, at matulungin sa mga nangangailangan. Pero kabaligtaran ng lahat ng iyon ang ipinakita niya saakin.