Toyang (Eraserheads Series #1)
Hindi nila mauunawaan iyong pagmamalaking nararamdaman ng mga kagaya ko sa mga panalong pinaghirapan namin sa buhay.
“Kahit ilang trabaho ko pa iyong sabihin ko, hindi pa rin iyon sasapat para sa kanila. Kahit ilang awards at diploma pa iyong ibigay ko sa kanila, mababa pa rin ako sa mga mata nila,” I resumed, choking on my tears. I then turned to him. “Kahit ilang beses ko pang ulit-ulitin na nagawa ko ang mga iyon at nagtagumpay ako kahit wala kaming pera, hindi nila maiintindihan kasi hindi nila kailanman naranasang mamuhunan sa mga pangarap nila at kakayahang magsikap. They have everything while I have nothing but only my dreams.”
ตอนยอดนิยม