ACCIDENTALLY IN LOVE
sabi ni Kanji na nagtutunog puri sa brand namin.
"I admit, ang The Swash Box ang pinaka mahigpit na kalaban namin sa Jewelries," sabi ni daddy kaya sila nagtawanan. Ang cute lang nilang tingnan, magkalaban na nagpupurian.
"Si Reyna ang acting CEO ngayon. Kahit sa maikling panahon palang niya, may bago siyang series na ilalabas na ng ViolaDime anytime soon.Mukhang mahihirapan ka this quarter Kanji. Baka seryosohin iyan ni Reyna, yan pa naman ang pinaka paborito niya sa lahat, ang Violadime." Dahil sa sinabi ni daddy, nilingon ako ni Kanji kaya napatingin din ako sa kanya.