The Zillionaire's Abandoned Wife
Alanganing nagpatuloy si Xyza, "Pero gusto ko po sanang lumabas at maglaro sa weekend. Hindi pa po magaling si Tita Mommy sa kanyang injury kaya hindi niya ako masasamahan. Daddy, pwede mo po ba akong samahan?"
Matamang sumagot si Sebastian, tila iniisip kung paano masosolusyunan ang problema ng anak. "Marami akong kailangang gawin sa Sabado, pero libre naman ako sa Linggo. If you really want to go out this Satuday, pwede kang sumama kay Tito Helios mo at kay Yanyan."
Nagliwanag ang mukha ni Xyza. "Really? Pwede po?"