CHASING HIS PREGNANT EX-WIFE
"Inakala ko na sapat ang pagmamahal para manatili. Hindi ko alam na ang pamilya ng asawa ko mismo ang sisira sa lahat."
Nang pakasalan ni Natalia Camille Sarmiento ang lalaking pinakamamahal niya, alam niyang hindi siya kailanman tatanggapin ng mayaman at makapangyarihang pamilya Araneta. Sa kabila ng pangmamaliit, pang-iinsulto, at paulit-ulit na pagpaparamdam na hindi siya nababagay sa kanilang mundo, pinili niyang manatili alang-alang sa pagmamahal niya kay Sebastian Rafael Araneta.
Ngunit sa gabing ipinahiya siya sa harap ng daan-daang bisita, kasunod na dumating ang balitang na-stroke ang kanyang ama at nangangailangan ng agarang operasyon. Habang desperado siyang humihingi ng tul