Beat of My Heart
Hindi pa naman niya ito binabasted pero bakit ganito na ang lumalabas sa bibig nito?
“Kung matatawag mang katangahan `to, Jane, `yon na siguro ang itatawag ko sa sarili ko. `Cause the moment I fell for you sa maikling panahong pagkakasama natin, saka naman nawala ang dati mong pagtingin.” Ngumiti ito nang pagak. “I know how you felt for me before. It’s obvious, anyway. Pero pilit ko lang inignora dahil nga ayaw ko ng simple at inosenteng babae noon.” Jester held her face at pinakatitigan siya sa mga mata—matagal—na waring iyon na ang kahuli-hulihan nilang pagkikita. “I know who owns your heart.”
ตอนยอดนิยม