Magnus : My Mafia Husband
I have these flashy mirror na parang pang-artista dahil may mga ilaw-ilaw at mga loft na pwedeng lagyan ng iba't-ibang pampaganda, at iba pang kagamitan ko.
I never go out with my 'looks', 'yong pangkaraniwan na imahe ko sa mga mata nila. To be beautiful, to be presentable, to be elite as ever—o sa isang salita, anghel dapat.
Alam kong si Magnus na naman ang nasa ibaba, siya lang naman ang pumupunta rito sa mansion ng ganitong oras.
Para itong intsik sa panliligaw, at tiyak may dala na naman itong bouquet ng red roses at ang pa-impress na maginoong imahe nito.