From Maid to Billionaire's Wife
"You are just a low-class, pathetic girl trying to act tough! Tumingin ka nga sa hitsura mo! Ang baduy ng ayos mo, mukha kang manang na galing sa bukid! Wala kang karapatang manatili sa lugar na ito! Sino ba talaga ang nagpasok sa iyo rito, ha?! Dahil sisiguraduhin kong malalagot siya sa pamilya Graham!"
Natawa ako nang malakas, 'yung tawa ng isang Batangueña na alam mong may alas na hawak. "Sino ang nagpasok sa akin?" inulit ko ang tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa kanyang pwesto. "Ang nagpasok lang naman sa akin dito, ay walang iba kundi si Tita Selena mismo. Si Madam! Siya ang nagdala sa akin dito at ginawa akong personal assistant niya. O, ano? May reklamo ka ga sa kaniya?"
ตอนยอดนิยม