A NIGHT OF POSSESSION
Hiraya ZRdirty fast talk questions tagalogone night stand wattpad tagalogone night stand pregnant by billionaire wattpad tagalog completedbillionaires true love tagalog
Hindi na ako kumibo pa, pinilit kong pigilan ang mga salitang gustong kumawala mula sa dibdib ko.
_________
Sa malawak na bakuran ng grand estate, isa-isang nagningning ang mga ilaw ng nakaparadang sasakyan habang papalapit ang gabi. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng mga yapak namin ang sumasabay sa malamig na hangin.
Tapos na ang family dinner, pauwi na kami sa Yangco Mansion.
Kasabay kong naglalakad si Steven, nakapamulsa siya habang bahagyang nakatingin sa harap.